top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Sekyu, dedbol sa head guard

BRT
May 11, 2020
1 min read

Bukidnon—Napatay ang isang security guard nang barilin ng head guard kamakalawa sa Bgy. Palacapao, Quezon.

Nakilala ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo na si Armand Alejan, samantalang ang suspek ay si Karim Bayawin, kapwa security guard ng Nailga NASA Force Security Agency sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Alejan at Bayawin kaya binaril ng suspek ang biktima.

Dinala pa ng mga saksi si Alejan sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Nabatid na sinampahan na ng pulisya ng kasong murder ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page