Hiling ngayong COVID-19 ni: Maria Racil R. Gutierrez
- May 10, 2020
- 1 min read

Panginoon, kami'y pagpalain.
Mga sakit nawa'y ilayo Mo sa amin.
Palaguin Mo pa, pananalig namin
upang malagpasan itong Covid-19.
Turuan Mo po kaming maging masunurin,
sa kautusan Mo at sa bansa namin.
Kaluwalhatian Mo'y ito'y aming dalangin.
Upang pagpapala Mo'y igawad sa amin.
Itong Covid-19 ay ‘di namin kakayanin.
Paano ito labanan at sugpuin namin?
Sapat na pananggalang, kami ay kapos din,
subalit salamat at narito Ka sa amin.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments