DDS, nagkakalat sa socmed na mas suportado ang balik-operasyon ng POGO kesa balik-operasyon ng ABS-C
- Pabs Hernandez III
- May 10, 2020
- 2 min read
KAMPON NG DDS, MAS KAMPI SA POGO KAYSA ABS-CBN?—Sa Facebook groups ng mga DDS, mayorya sa mga ito ang mas pabor na magbalik-operasyon ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) para muling makapagtrabaho ang mga Chinese workers kaysa maibalik ang ipinasarang ABS-CBN kung saan nasa 11K Pinoy workers at talents ang nawalan ng kabuhayan.
Sa isyung ito, kayo na mga kababayan ang bahalang humusga kung anong utak meron ang mga DDS, boom!
◘◘◘
13 MAHISTRADO SA SC, DDS NA RIN?—Nang mapanuod noon sa telebisyon ni Atty. Dino de Leon si P-Duterte, ang tingin niya parang lasing daw ito, bukod pa sa paiba-iba o hindi maintindihan ang mga sinasabi tungkol sa pandemyang coronavirus kaya ang ginawa niya ay nag-file siya ng petisyon sa Supreme Court (SC) na atasan ang Malacanang na ilabas ang medical at mental records ng Pangulo, pero nabigo siya dahil 13 mahistrado ang nagbasura sa kanyang petisyon.
Tila hindi lang sa social media may DDS, kundi pati sa SC kasi importante sanang malaman ng taumbayan ang lagay ng kalusugan at isipan ng Pangulo sa gitna ng pananalasa ng deadly virus, pero ibinasura lang ng 13 mahistrado ang hirit ni Atty. De Leon, period!
◘◘◘
BGY. CHAIRMAN NG ‘GAPO, DAPAT IMBESTIGAHAN NINA SEC. AÑO AT USEC. DINO—May nagbigay-impormasyon sa inyong lingkod na mula raw mag-umpisa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon noong March 16, 2020 ay may ilang residente umano sa Bgy. West Bajac-Bajac, Olongapo City na ang tinanggap lang na ayuda ay P500 at dalawang kilong bigas.
Ganu’n? Sa loob halos ng dalawang buwan, ganyan lang ang tinanggap nila sa kanilang barangay hall?
Paging DILG Sec. Eduardo Año at DILG-Barangay Affairs Usec. Martin Dino, imbestigahan n’yo naman si Bgy. Chairman Anthony Deldio kung bakit masyado nitong tinipid sa ayuda ang ilang residente sa kanyang nasasakupan, plis lang!





Comments