P2.20 taas-presyo sa gas
- Gina Pleñago
- May 9, 2020
- 1 min read

Inaasahang magpapatupad ng malakihang oil price hike sa susunod na linggo.
Sa inisyal na ulat, papalo sa P2.00 hanggang P2.20 kada litro ang itataas sa presyo ng gasoline.
Aakyat naman sa P1.80 hanggang P2.00 ang kada litro ng diesel, habang P1.20 hanggang P1.30 sa bawat litro ng kerosene.
Kaugnay umano ito ng pagkabawas ng produksiyon ng langis sa buong mundo na epekto ng coronavirus pandemic.
Inaasahang sa Martes ng umaga ipatutupad ang dagdag sa presyo ng nasabing mga produkto.





Comments