Kelot, timbog sa shabu at marijuana
- BRT
- May 9, 2020
- 1 min read
Pampanga—Naaresto ng pulisya ang isang lalaki nang makumpiskahan ng shabu at marijuana kamakalawa sa Bgy. Mabiga, Mabalacat City.
Kinilala ang suspek na si Mark Padlan, nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa naturang lugar at nang pagbentahan sila ng ilegal na droga ni Padlan ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng limang sachets ng shabu, pitong sachets ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments