top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

2 miyembro ng BIFF, nasakote

  • BRT
  • May 9, 2020
  • 1 min read

Maguindanao—Dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Liberation Front (BIFF) ang naaresto ng tropa ng pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Datu Piang.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Sultan Guialil at Mohammad Candado, kapwa miyembro ng BIFF na nakabase sa nasabiing lalawigan

Nabatid na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad sa kinaroroonan nina Guialil at Candado kaya agad nagresponde ang tropa ng pamahalaan at dinakip ang dalawang terorista.

Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang dalawang suspek.

Nakapiit na ang dalawang terorista na kapwa nahaharap sa iba’t ibang uri ng kaso.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page