Remdesivir, aprubado ng Japan na panlunas sa COVID-19
- Lolet Abania
- May 8, 2020
- 2 min read

TOKYO — Inaprubahan na ng Japan ang Gilead Sciences Inc's Remdesivir bilang treatment laban sa COVID-19, kung saan unang opisyal at awtorisadong gamot kontra coronavirus disease ng bansang ito.
Nabuo ang desisyon ng Japan, tatlong araw matapos na ihain ng U.S. drugmaker ang mabilis na pag-apruba ng treatment.
"There has so far been no coronavirus medicine available here so it is a significant step for us to approve this drug," sabi ng isang Japanese health ministry official sa press briefing. Ibibigay ang Remdesivir sa mga pasyenteng may matinding covid-19 symptoms, ayon pa sa kanya.
Dahil sa wala pang aprubadong panlunas para sa covid-19, ang interes ng buong mundo sa pagkakaroon ng gamot ay sadyang dumarami. Ang drug ay administered ng intravenous infusion, na binigyan ng awtorisasyon noong nakaraang linggo ng U.S. Food and Drug Administration para sa emergency use sa sakit sanhi ng novel coronavirus.
Ayon sa Gilead, ang gamot na ito ay higit pang pinahusay para sa mga taong nakararanas ng respiratory disease at may mga datos na nagsasabing mas mabuting ibigay sa mga unang nakadarama ng infections.
Samantala, naitala na ang Japan ay may 16,000 infected at 800 na ang namatay, mas kaunti kumpara sa mga major industrialized na bansa.
Gayundin, isang trial ang isinagawa ng U.S. Institutes of Health (NIH) na ang gamot ay nakabawas na sa mga ginagamot na nasa ospital ng 31% kumpara sa placebo treatment, kahit na wala pang garantiya ng survival.
Kamakailan, pinalawig ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang month-long state of emergency hanggang katapusan ng Mayo sa layuning mapabagal ang pagkalat ng virus.
Gayunman, aalamin pa ng naturang bansa kung kailangan makukuha ang unang doses ng Remdesivir at ang halaga ng gamot, ayon sa health ministry official.
Ayon naman sa Gilead, tinatalakay pa nila sa ilang kumpanya, kasama na rito ang generic drugmakers sa India at Pakistan ang pagpu-produce ng Remdesivir nang maramihan.
Ang Remdesivir, na hindi pumasa noon bilang treatment sa Ebola ay dinisenyo upang pigilin ang kakayahan ng ilang virus na 'gayahin ang katulad nito' sa loob ng infected cells.





Comments