Plantasyon ng marijuana, sinalakay
- BRT
- May 8, 2020
- 1 min read
Kalinga—Sinalakay ng pulisya ang isang plantasyon ng marijuana kamakalawa sa Bgy. Lagnog, Tabuk City.
Ang plantasyon ng marijuana na sinalakay ay sa Sitio New Balbalan sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, natanggap na impormasyon ang pulisya na may nakatanim na marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad.
Kaagad sinira at sinunog ng mga awtoridad ang mga tanim na marijuana na tinatayang nasa mahigit P2 milyon ang halaga.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang nagmamay-ari ng nasabing plantasyon.





Comments