top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nag-away sa paglabas ng bahay... Nanay ginilitan ng anak, patay

  • V. Reyes​
  • May 8, 2020
  • 1 min read

Nahaharap sa kasong parricide ang 25-anyos na lalaki na inakusahang pumatay sa kanyang sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mambaling, Cebu City kagabi.

Ayon kay Police Captain Francis Renz Talosig, hepe ng Mambaling Police Station, nangyari ang krimen alas-7:30 ng gabi sa Ybañez Compound, isa sa mga lugar sa lungsod na naka-lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Nabatid na duguan ang damit at katawan nang dumaan ang suspek na si Janrie Bacsal sa quarantine control point na nagsisilbing entry at exit point ng mga residente sa lugar.

Hinarangan na makalabas sa lugar si Bacsal ngunit nagwala umano ito at sinuntok ang isa sa mga volunteer na nagbabantay sa checkpoint.

Nang makontrol sa pagwawala ay inuwi ng mga pulis at volunteer ang suspek ngunit nabulaga ang mga ito nang makitang nakahandusay sa kusina ang katawan ng biktimang si Anelita. Natagpuan din malapit sa katawan nito ang walong pulgadang kutsilyo.

Sinasabing ang suspek at ang ina nito lamang ang magkasama sa bahay nang mangyari ang krimen.

Ipinahayag pa ni Talosig na batay sa kanilang follow-up investigation, hindi mentally stable ang suspek at nagsimula umanong magkaroon ito ng kakaibang kilos nang makapagtapos ng kolehiyo.

“He had been applying as a seaman but was not accepted. Since then, he has not been eating well and locking himself in his room most of the time,” ani Talosig.

Napag-alaman din ng pulisya na nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina noong nakaraang gabi dahil sa pagpupumilit ng suspek na umalis ng bahay at gamitin ang quarantine pass.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page