top of page

4 years nang napapanaginipan ang ex, sign na makakabalikan dahil true love

  • Socrates Magnus
  • May 8, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Faith na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Mayroong lalaki mula sa past ko na palagi kong napapanaginipan sa loob ng apat na taon, kaya medyo nababahala na ako. Ang lalaking tintukoy ko ay ex-BF ko at apat na taon na kaming hiwalay. He was my true love and until now, he’s always been a part of me, pero hindi ibig sabihin nu’n na lagi ko siyang iniisip.

May live-in partner ako at isang anak. Nagtataka lang ako dahil siya ang napapanaginipan ko at minsan, natatakot na ako dahil madalas talaga siyang nasa panaginip ko.

Noong February, ikinasal na siya, pero hindi pa rin siya nawawala sa panaginip ko. Ano ang gustong ipahiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Faith

Sa iyo Faith,

Minsan, ang buhay sa mundo napakahirap maunawaan. Isipin mo, may mga taong nagmahal nang wagas pero nahiwalay at ‘yung iba naman ay nagpakasal sa hindi naman niya gaanong mahal. Marami pang bagay ang nakagigulat sa mundo, pero rito lang muna tayo sa dalawang nabanggit sa itaas.

Dahil ikaw ay napabilang sa nagmahal nang wagas, pero hindi mo nakatuluyan ang iyong minahal, ikaw din ay napasama sa nagpakasal sa hindi niya gaanong mahal. Dito sa huli ay pahabol na katotohanan dahil kaya nasabing hindi mo gaanong mahal ay dahil ang true love mo ay ang una mong minahal.

Kaya binigyang-diin ng iyong panaginip na hanggang ngayon ay true love mo pa rin ang una at ang huli naman ay mahal mo pa rin, pero hindi tulad ng pagmamahal mo sa una o hindi true.

Napansin mo ba ang salitang “hindi true,” makataas-kilay, ‘di ba? Pero ito ang katotohanan. Dito sa mundo, sa paglalabanan ng mga puwersa, iisa lang ang mananalo at nananatili at ito ay ang katotohanan habang ang true love ay the truth, pero ang iba ay nagpapanggap lang na totoo.

Mas magandang ihanda mo ang iyong sarili dahil ang true sa buhay mo ay ang mananalo at siyempre, ang talunan ay hindi naman talaga true. Ibig sabihin, sa ayaw o gusto mo, muli mong makarerelasyon ang true love mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page