POGO na pagmamay-ari ng mga Chinese, balik-operasyon; ABS-CBN na matagal nang naglilingkod sa mga Pi
- Pabs Hernandez III
- May 7, 2020
- 2 min read
POGO NA PAGMAMAY-ARI NG MGA CHINESE, MAGBUBUKAS NA; ABS-CBN NA MATAGAL NANG NAGLILINGKOD SA MGA PINOY, IPINASARA—Kasunod ng pahayag noong May 1 na mag-o-operate na ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na pagmamay-ari ng mga Chinese, ipinasara naman kahapon ng National Telecommunication Commission (NTC) ang ABS-CBN, ang istasyon na mahigit anim na dekada nang naglilingkod sa bayan dahil sa isyung pagbitin ng tropa ni Speaker Alan Cayetano na ma-renew ang prangkisa nito.
Hindi ito katanggap-tanggap sa publiko, mantakin ninyo, sa panahon ng krisis na dala ng COVID-19, ang mga Chinese workers ay bibigyan na ng hanapbuhay, tapos ang libu-libong manggagawang ng ABS-CBN ay inalisan ng hanapbuhay, buwisit!
◘◘◘
SI P-DUTERTE PA RIN ANG IISIPIN NG PUBLIKO SA NAGPASARA SA ABS-CBN—Kahit anong tanggi ni P-Duterte na wala siyang kinalaman sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN, hindi maiaalis na siya ang iisipin ng publiko na nasa likod ng pagkakasara ng Kapamilya network lalo na at ilang beses siyang nagbanta noon na ipapasara niya ito kapag napaso ang prangkisa nito.
Ang NTC ay executive branch na nasa ilalim ng pamamahala ng Office of the President, kumbaga, isang kumpas lang ni P-Duterte ay puwede nitong pagkalooban ng provisional authority ang ABS-CBN na makapag-operate hangga’t hinihintay ng renewal ng kanilang prangkisa sa Kongreso, pero hindi ito ginawa ng Pangulo, period!
◘◘◘
HAPPY ANG MGA DDS NA MARAMING NAWALAN NG WORK—Nagbubunyi ang mga DDS sa pamumuno ni OWWA Deputy Administrator Mocha Uson sa pagpapasara ng NTC sa operasyon ng ABS-CBN.
D’yan makikita kung gaano kasama ang ugali ng mga DDS kasi natutuwa pa sila na 11K workers nawalan ng trabaho at magugutom sa panahon ng krisis, tsk-tsk-tsk!





Comments