top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung ang Dos, naipasara... GMA-7, biglang ipinagsigawan na oks na oks ang prangkisa nila

  • Nitz Miralles
  • May 7, 2020
  • 3 min read

Nitz Miralles / Bida

Kristine, nag-post ng quote kasabay ng pagsasara ng dos, tinawag na inggrata

Hindi dini-delete ni Kristine Hermosa ang mga comments ng dalawang female netizens patungkol sa closure ng ABS-CBN sa two quotation cards na ipinost niya sa Instagram. Tinawag nilang inggrata si Kristine dahil sa mga posts nitong iba ang dating kina @caracoletaa at @iamjiezel.rickashley25.

Sabi ng unang quotation post ni Kristine: “God’s Plans Will Always Be Greater And More Beautiful Than All Your Disappointments” at “May We Ever Choose The Harder Right, Instead Of The Easier Wrong.”

Nakakapagtaka lang na sa dami ng nakabasa sa posts ni Kristine, dalawa lang ang nag-akalang para sa ABS-CBN ‘yun.

Sey ni @caracoletaaa, after ng ilang years na napakinabangan ni Kristine ang ABS-CBN, magpo-post siya ng ganu’n. Inggrata raw si Kristine at ‘wag nitong idi-deny na hindi para sa network ang post niya. Naging bread and butter daw nito ang network pero ngayon, basura na para sa kanya.

Nag-agree sa kanya si @iamjiezel.rickashley25 at inulit ang pagtawag na inggrata kay Kristine.

Ang kapatid ni Kristine na si Kathleen ang sumagot sa dalawa.

Aniya, "Mawalang-galang na po sa inyo @caracoletaaa, @iamjiezel.rickashley25 @rifra_f—tanung ko lang, bakit kayo nagagalit ulit? Inalam n'yo po ba ang buong istorya at lahat ng panig? Ano ba talaga ang nangyayari? Sa lahat ng bagay, at kahit anong sitwasyon, para po sa akin at pina-practice ko rin hanggang sa ngayon na pakinggan lahat at ano ang talaga nangyayari bago mag-react. May batas tayo na sana at this point ay i-practice na rin nating sundin.

"'Wag pong ganyan na kung makahusga kayo, parang you were there at nakita n'yo ang buong pangyayari. Ako rin wala doon. Kaya wala akong karapatan manghusga. I just always remind myself, there are so many sides of the story. Maiging makinig, mag-research at suriin.

"Kung ako ang tatanungin n'yo po, ako rin, nawalan din ng trabaho sa ABS-CBN at tinuruan kami ng Mama namin na matutong tumanaw ng utang na loob. Expert kami d'yan. Sa panahong ito, may laban tayo against Covid. To keep ourselves safe. Concentrate tayo doon.

"Ang laban ng case ng Kapamilya, ABS-CBN ay sure akong hina-handle well dahil marami akong/kaming boss doon na magaling sa area na 'yan. I'm sure it is well taken care of.

"Mga madam, 'yung post ni Kristine, malayo sa mga panghuhusga n'yo. Ang layo na ng narating ninyo. 'Wag ganyan. Ang sa akin, sana sa panahon na ito, matuto naman tayong makinig kay God. Obvious naman na kinakausap N'ya tayo ngayon, eh. Sana, hayaan natin Siyang gumalaw at mangusap sa bawat puso. Manahimik at 'wag maging tagapagpadala ng negatibo.”

♥♥♥

Kung ang Dos, naipasara…

GMA-7, biglang ipinagsigawan na oks na oks ang prangkisa nila

Dahil sa mga nagtatanong sa franchise standing ng GMA Network, muling inilabas ng Siyete ang official statement na inilabas nila noong March 4, 2020 para lang malinawan ang isyu.

Nakalagay sa official statement na…

“GMA Network’s 25-Year franchise renewed prior to expiry.

“Formerly known as Republic Broadcasting System, Inc., GMA Network obtained its original 25-year franchise through Republic Act No. 7252 or 'An Act Granting the Republic Broadcasting System, Inc. a Franchise to Construct, Install, Operate and Maintain Radio and Television Broadcasting Station in the Philippines.'

"The said act was signed into law on March 20, 1992; became effective on May 12, 1992- fifteen (15) days after its publication in the Official Gazette on April 27, 1992; and as such, was valid until May 12, 2017.

"On April 21, 2017-22 days prior to the expiry of the original franchise-President Rodrigo Duterte signed Republic Act No. 10925 or 'An Act Renewing For Another Twenty-Five (25) Years The Franchise Granted To Republic Broadcasting System Inc. Presently known as GMA Network, Inc., Amending For The Purpose Republic Act No. 7252, Entitled An Act Granting The Republic Broadcasting System, Inc. a Franchise to Construct, Install, Operate and Maintain Radio and Television Broadcasting Stations in the Philippines.'

"Given this, it is important to note that there is no parity of circumstances between the two broadcast networks. And that there is no truth to statement claiming that GMA continued its operations despite the expiration of its franchise, which was in fact renewed earlier than its expiry date.”

♥♥♥

Congw. Wilma, todo-bilib na makakabalik ang dos

Short ang pahayag ni Congresswoman Vilma Santos-Recto sa closure ng ABS-CBN pero puno ng pag-asa na muling babalik sa ere ang Kapamilya Network.

“HINDI AKO MAGPAPAALAM DAHIL ALAM KONG MAGBABALIK KAYO!!! MABUHAY ABS-CBN!” post ni Vilma sa kanyang Instagram account.

Marami ang sumang-ayon kay Vilma sa pahayag niyang ito dahil sila man ay naniniwalang makakabalik ang ABS-CBN at muling mapapanood ng mga viewers ang mga minamahal nilang Kapamilya talents, shows and programs.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page