top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

5 bomba, natagpuan sa bukid

  • BRT
  • May 7, 2020
  • 1 min read

Negros Occidental—Limang bomba ang natagpuan kamakalawa sa bukid ng Bgy. Busay, Bago City.

Isang magsasaka ang nakatagpo sa limang bomba at agad niya itong ini-report sa pulisya.

Ang mga bombang natagpuan ay dalawang fuze assembly bomb, isang fragmentation grenade, isang grenade rifle at isang projectile grenade.

Nabatid na nasa pag-iigat na ngayon ng Explosive and Ordnance Division Team ng pulisya ang limang bomba.

May hinala ang mga awtoridad na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nag-iwan ng mga bomba sa naturang lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page