top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tito Sen, pramis na aaprubahan ang franchise renewal ng dos dahil investor

  • Nitz Miralles
  • May 6, 2020
  • 4 min read

Nitz Miralles / Bida

Awang-awa kay Angel na nag-iiyak sa pagsasara ng ABS-CBN…

Sigaw ni neil: NTC, demonyo kayo!

Nag-post si Neil Arce sa Instagram patungkol sa lungkot na naramdaman ni Angel Locsin sa pagsasara ng ABS-CBN. Sa photo, makikitang nakahiga si Angel sa bed, may binabasa sa phone at mukhang galing sa pag-iyak.

“Breaks my heart seeing her like this. Angel didn’t renew her contract. So technically she did NOT lose her job. She’s been crying non-stop since she saw The News online because she knows 11,000 people lost their jobs. We’ve been under ecq for 2 months now trying to save lives. Wala pang 10000 ang may covid dito pero ngayon 11,000 na tao ang mawawalan ng trabaho at milyon na Pilipino ang hindi makakatanggap ng quick information and konting kaligayahan sa mga panahon na ito. NTC you are evil. How dare you take away 11,000 jobs. We will remember this.”

Nag-react si Angelica Panganiban sa post ni Neil at sabi, “Alam mo kung ano nakakaiyak? 'Yung pagiging well mannered ng ABS-CBN. Niyakap nila. Du'n natapos. Walang giyera. Walang gulo. Kaya, nakakadurog 'yung silence. Kaya, hindi tayo dapat manahimik. Wow dami ko na naman alam. Hi bashers.”

Sinundan pa ng isang comment na “Sukdulan ng kasamaan ito.”

Hindi lang naman si Angelica among sa ating mga celebrities ang nag-react sa post ni Neil. Ang ipinagtataka lang namin, tanging si Angelica lang ang may comment. Karamihan sa mga nag-react, emoji lang ang comment.

***

TITO SEN, PRAMIS NA AAPRUBAHAN ANG FRANCHISE RENEWAL NG DOS DAHIL INVESTOR

Iba’t iba ang reactions ng mga netizens sa tweet ni Senate President Tito Sotto na “ABS franchise, bring it to the Senate, we will approve it.”

Sagot ng isang netizen, “Senator, seems like Calida is more powerful than Congress and DOJ combined,” at may nag-comment pa ng “Senator, sabi n'yo po dati, hanggang March, 2022, what happened po? How can we “bring it to the Senate” eh, 'di ba, sa Congress muna?”

May nagpaalala rin kay Senate President Tito Sotto na ang problema ay ang lower house. Inupuan lang nila ang franchise issue ng ABS-CBN at mas inuna pa ang exhibit kay Kobe Bryant.

May citizen pang nag-dare kay Tito Sen, titingnan daw nila kung mas maangas siya kay Calida. May humirit pang aaprubahan ni Tito Sen ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil investor siya.

***

MARK, TAKOT MA-BASH ANG TIKTOK VIDEOS, BAWAL MAG-COMMENT ANG NETIZENS

NagtE-trending ang TikTok videos ni Mark Herras. Positive ang mga comments sa Twitter ng TikTok videos ng aktor, kaya nagtataka kami kung bakit kung hindi disabled ang comment box ng Instagram (IG) ni Mark, naka-set sa “comments on this post have been limited,” kaya walang makapag-comment.

Kung may mag-comment man, kaibigan ni Mark o co-actor at minsan, sa sobrang pagkapraning ni Mark na walang makapag-comment na bashers, siya lang ang nagko-comment sa post niya.

Magaganda ang TikTok video ni Mark na puro dance video kung saan, muli siyang napanood na nagsasayaw na na-miss ng kanyang mga fans sa kanya.

Sabagay, pinasalamatan naman ni Mark ang mga nagla-like at nagbu-view sa kanyang videos at marami pa rin siyang supporters.

Isa sa mga supporters ni Mark at sa desisyon na balikan ang pagsasayaw ay ang GF niyang si Nicole Donesa na ang ganda ng sinabi na “I’m not the only one who believed that you deserve every bit of bliss this world has to offer. I’m so proud of you itchybear. Keep dancing to your heart’s desire.”

***

Aiko, todo-suporta sa mga Kapamilya kahit nasa Kapuso ngayon

May post si Aiko Melendez kaugnay ng pagpapasara sa ABS-CBN.

Aniya, “I Am A Kapuso But I Am In Solidarity With the Kapamilya Network! We Are One Television Community Serving The Filipino People.”

Sinundan ito ng post na “Hindi po 'to laban ng sino ang mas magaling o mahusay. Ang @gmanetwork kanina nagpakita ng fair comments sa issue sa shutdown ng ABS. Sa 24 Oras, 'di sila naging bias sa issue. Ang mundo na ginagalawan namin ay napakaliit lamang. Ang network war is just to spice up the competition, but the truth to that matter I was speaking to one of my bosses in GMA and she said naawa siya sa mga kaibigan niya na mawawalan ng work.

"GMA has never taken this step to take advantage and media mileage instead, they gave their fair share of sympathy and empathy to the people who just lost their jobs. Again I am blessed to be part of GMA but please allow me also to feel pain because ABS gave me the opportunity to work for them for a long time. Am sending my love and prayers to my Kapamilya friends. God bless you all.”

May mga hindi maintindihan ang pakikisimpatya ni Aiko sa ABS-CBN dahil nasa GMA-7 daw siya at parte ng Prima Donnas. Maayos namang ipinaliwanag ng aktres ang isyu at sitwasyon.

Sabi pa ni Aiko, naglalabas siya ng kalungkutan para sa mga friends niyang nawalan ng trabaho.

“Ako I’m with GMA. I'm secured with work, but how can you rejoice on something when 11K of workers for abs just lost their jobs. Makapuso at me puso ang tawag du'n at 'di makasarili ang iniisip,” pahayag ni Aiko.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page