top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

NTC, niresbakan sa pagpapasara sa ABS-CBN… "Tinatarantado ninyo ang mga Pilipino" — Coco

  • Vinia Vivar
  • May 6, 2020
  • 3 min read

Ramdam na ramdam namin ang ngitngit at galit ni Coco Martin sa nangyari sa kanyang home network. Tuluyan na ngang tumigil sa pagsasahimpapawid ang ABS-CBN last Tuesday night pagkatapos ng TV Patrol. Ito ay dahil sa “cease and desist order” ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil nag-expire na ang prangkisa ng network noong May 4, 2020 at hindi pa ito nari-renew.

Matapos ang pagsa-sign-off ng network ay hindi napigilan ni Coco ang maglabas ng kanyang nararamdaman. Dalawang magkasunod na posts ang mababasa sa kanyang Instagram account.

Aniya, “Pasensiya na po dahil hindi ko na mapigilan ang sobrang galit na nararamdaman ko.

Nakakapagod nang manahimik at magpigil kung ang mga nasa paligid mo naman ay mga walang-pusong tao.

“Anong klaseng mga tao ang gumawa nito? Alam ninyo na ang ibig sabihin ng pagkasara ng ABS-CBN ay kawalan ng trabaho ng ilang libong empleyado kasama ang mga pamilya nito. Ilang libong pamilya ang magugutom sa kabila ng lahat ng nangyayari sa mundo ngayon,” ang simula ni Coco.

“Talaga bang nagawa ninyong unahin ang pagpapasara ng isang istasyon na bumubuhay sa napakaraming Pilipino? Ang lahat ng mga tao ngayon ay pagtulong at pag-agapay sa kapwa ang hangarin, lalo na ang ABS-CBN.

“Napakalaki ng iniambag at patuloy na nag-aambag upang umabot ang tulong sa lahat ng nangangailangan. Sila ang inaasahan ngayon ng maraming tao para maghatid ng balita sa bawat araw, sila rin ang daan para maiparating ng mga tao ang kanilang saloobin at pinagdaraanan sa krisis na ito.

“Sa gitna ng laban natin sa COVID-19, hindi tumitigil ang ABS-CBN para magbigay ng aliw, ligaya at pag-asa sa mga tahanan ng sambayanang Pilipino.

“At sa gitna rin ng lahat ng ito, hindi iniwan o pinabayaan ng ABS-CBN ang mga empleyado nito, inagapay niya ang bawat empleyado upang makaraos.

“Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao kayo at kung anong klaseng konsensiya ang mayroon kayo para maisip ninyong ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng daan at libong mga taong nagkakasakit at namamatay dahil sa epidemyang ito. Hindi kayo ang mga taong dapat kinakausap ng maayos, ang dapat sa inyo tapatan ng kabastusan at kawalanghiyaan tulad ng inaasal ninyo!” patuloy ng aktor na halatang galit na galit.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Coco sa mga taong nagpasara ng network.

“Wala man akong gaanong kaalaman sa batas at maaaring mas marunong kayo sa akin, pero sana naisip ninyo man lang ang sitwasyon ng ating bansa!

“Sana sa wakas ay makatulog kayo ng mahimbing at maipagmalaki ninyo ang nagawa ninyo! Sana ipagkapuri kayo ng pamilya ninyo sa tagumpay ninyong gutumin at yurakan ang mga buhay ng ilang libong pamilya!

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban ninyo. NTC, sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan!!!” ang pahayag pa ni Coco.

Tila hindi pa tapos sa kanyang galit, muling nag-post ang aktor.

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko.

“Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban ninyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim ninyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo n’yo sa bayan?

“Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararamdaman ko ngayon. Sa mga taong tulad ninyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan!

“Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung ano’ng sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasingtalino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada!

“Maraming-maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon n’yo sa ating bayan!

“TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” ang kabuuan ng litanya ni Coco sa kanyang pangalawang post.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page