John Lloyd, wala nang datung kaya balik-showbiz, ABS-CBN sarado naman
- Erlinda Rapadas
- May 6, 2020
- 3 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga
Derek, 'di nasasakal kay Andrea kaya gusto nang pakasalan

Base sa birthday greetings na natanggap ng Kapuso actress na si Andrea Torres mula sa partidos at malalapit na kaibigan ni Derek Ramsay, lahat ay botong-boto na sila ang magkatuluyan at mauwi na sa kasalan.
Sa lahat ng nakarelasyon at naging girlfriend ni Derek, si Andrea ang tanggap na tanggap ng mommy ng aktor. May bonding time nga si Andrea at ang kanyang future mother-in-law. Pareho silang mahilig mag-garden at one of these days, magsasama sila sa isang gardening project after ng lockdown.
May dahilan kaya mas maraming pabor na si Andrea na ang mapangasawa ni Derek. Bukod sa may good breeding, smart, mabait at humble, hindi rin ito masyadong demanding sa atensiyon ni Derek. Hindi nito hinahawakan sa leeg o kinokontrol ang aktor. Hindi niya hinahadlangan kung ano ang mga hilig (hobbies) at sports ni Derek.
Secured na secured siya sa kanyang sarili at hindi selosa at possessive type. Wife material din si Andrea at puwedeng ipagmalaki ni Derek kahit kanino.
***
JOHN LLOYD, WALA NANG DATUNG KAYA BALIK-SHOWBIZ, ABS-CBN SARADO NAMAN

Wrong timing ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd Cruz kung saan may reunion serye sana silang gagawin sa ABS-CBN ni Bea Alonzo. Medyo inaayos pa at pinakikiramdaman kung mabenta pa sa publiko ang tandem nila ni Bea.
May pelikula na rin na naka-ready para sa kanilang balik-tambalan na si Direk Cathy Garcia Molina ang direktor.
Excited na ang mga fans at supporters nina John Lloyd at Bea. Na-miss nila ang love team na nagpakilig sa kanila sa ilang romantic movies na kanilang ginawa. Pero, papaano na ngayong nagsara na ang ABS-CBN?
Still on John Lloyd, may mga fans ang labis na nag-aalala dahil may balitang purdoy na raw ngayon ang aktor at naubos na ang mga naipon at naipundar niya noong kanyang kasikatan.
Almost three years din kasing hindi nagtrabaho si Lloydie nang ma-in love ito sa sexy star na si Ellen Adarna at panay pa ang kanilang lakwatsa at pamamasyal sa panahon ng kanilang relasyon.
Walang kinita si JLC noong pansamantala niyang tinalikuran ang showbiz. Kaya may kumalat na tsikang halos naubos na ang kabuhayan ni JLC kaya balik-showbiz ulit siya ngayon.
***
MAINE, GUSTONG MAGING MOVIE SCRIPTWRITER

Noong kasagsagan ng pagiging product endorser ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, halos wala na itong pahinga lalo na't may TV show pa siya at nagpelikula.
Ang taas-taas ng energy level ng Dubsmash Queen at walang kapaguran sa sobrang hectic ng kanyang schedule. Pero, nag-i-enjoy si Maine sa kanyang showbiz life. Hindi siya nakakaramdam ng burn-out. Hindi niya kailanman inisip na magbabu na muna sa showbiz.
Wala sa agenda niya ang talikuran ang mundo ng showbiz. Marami pa siyang bagay na gustong i-explore.
Dream niya ang maging scriptwriter. Gusto niyang magsulat ng rom-com stories na pampelikula. At desidido siyang pag-aralan at matuto ng scriptwriting.
***
Sa May 17 ang kaarawan ni Kris Bernal pero hindi na niya itutuloy ang biyahe sana niya sa Africa para ru'n mag-celebrate. Mas pinili niya na mag-stay muna sa 'Pinas upang matutukan ang kanyang bagong negosyo, ang makeup brand na She Cosmetics na nagkakaroon ng magandang feedback sa market.
At dahil birth month ni Kris ngayong May, mamimigay siya ng random giveaways, discounts, flash sales at may free shipping din ang She Cosmetics for this month.
Special wish ni Kris para sa kanyang kaarawan, "Please bring us hope, healing and vaccine. Please! #Taurus."





Comments