top of page

Horoscope | Mayo 06, 2020 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • May 6, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 6, 2020 (Miyerkules): Sa pagmamahal ka nabubuhay, kaya kahit ano pa ang maransan mo sa pakikipagrelasyon, hindi puwede na hindi ka magmahal.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipadama mo ang iyong matamis na pagmamahal kahit ikaw mismo ay nakadarama ng pagkabagot. Sa matamis na pagmamahalan, ang takbo ng buhay ay mas gumagaan. Masuwerteng kulay-beige.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Alipin ka ng pag-ibig. Aminin mo man ito o hindi, hindi mo kayang matagal na nakakatampuhan ang iyong minamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mainip! Ang totoo, noon pa man at kahit kailan, ang takbo ng panahon ngayon ay napakabilis. Ang pagkainip ay namamahay lang sa isipan ng naiinip. Masuwerteng kulay-black.

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang nagmamahal sa iyo, siya at wala nang iba na dapat ay pinakamahalaga sa iyo. Ang iba pa, sa totoo lang ay mga walang silbi sa buhay mo at ang iba pa ay nakagugulo lang. Masuwerteng kulay-violet.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pahalagahan mo ang nagpapahalaga sa iyo. Sa timbangan ng buhay, ang dapat na matimbang ay ang nagpapadama at nagpapakita ng pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madali lang mahalata ang hindi nagsasabi ng totoo dahil binabago niya ang takbo ng usapan. Sa ganitong katotohanan, hindi ka dapat mapagpalalangan ninuman. Masuwerteng kulay-red.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mag-alala sa mga bagay na hindi mo nagawa dahil bawal lumabas ng bahay. Ang mga ito ay magagawa mo rin naman kapag nagkaroon na ng kalayaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Labanan mo ang iyong malalim na pagkainip. Ang sama ng loob na kinikimkim ay puwedeng pagmulan ng sakit na minsan ay hindi kaya ng gamot sa botika. Masuwerteng kulay-white.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang makialam sa gulo ng iba. Dapat ay matuto ka sa karanasan ng marami na nang magkabati at magkasundo, ang may kinampihan ay napasama. Masuwerteng kulay-green.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Unahin mo ang sarili mo. Ang mga bagay na pinagsisihan mo sa nakaraan ay ang madalas na inuuna mo ang kapwa mo kaysa sa sarili mong kapakanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ilang araw na lang, lalaya ka na. Ilang araw na lang, makakasama mo na ang mga taong nagpapasaya sa iyo. Ito ang ilagay mo sa isipan mo nang malabanan mo ang iyong pagkainip. Masuwerteng kulay-purple.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Totoong lumalala ang kalungkutan kapag humahaba ang araw na walang magawa. Pero dahil alam mo na ito, mababawasan ang epekto ng paglala ng kalungkutan mo. Masuwerteng kulay-pink.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page