Binatilyo, nalunod sa pangingisda
- BRT
- May 6, 2020
- 1 min read
Laguna—Isang binatilyo ang namatay nang malunod habang nangingisda sa Laguna Lake sa Bgy. Malaban, Biñan City.
Ang biktima ay nakilalang si Lester Casalme, 17-anyos at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nangingisda sa Laguna Lake ay aksidenteng pumulupot sa paa ni Casalme ang dala nitong lambat kaya nalunod ang biktima.
Kaagad sumaklolo ang kapatid ni Casalme at dinala ito sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival.





Comments