top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Karo, naharang sa checkpoint... Kahon-kahong alak sa kabaong, buking

  • BRT
  • May 5, 2020
  • 1 min read

Tiklo ang 23-anyos na lalaki nang matuklasan ang ilang kahon ng alak sa loob ng kabaong na sakay sa karo ng patay sa isinagawang checkpoint sa Binmaley kasabay ng umiiral na enhanced community quarantine sa Pangasinan.

Photo: PNP Binmaley Chief Lt. Col. Brendon Palisoc

Sa pinagsanib na puwersa ng PNP Binmaley at NBI Dagupan, naaresto ang suspek na si Jeffrey Velasco na residente ng Bgy. Talibaew, Calasiao.

Iniwasan umano ng suspek ang checkpoint habang minamaneho nito ang karo ng patay na pagmamay-ari ng Abalos Funeral sa bahagi ng Bgy. Gayaman Binmaley kung saan nang kanila itong mahuli ay natuklasan na ilang kahon ng alak ang laman ng sasakyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page