top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

John Lloyd, 'di nakaporma kay Sarah noon kaya todo-hinayang na lang

  • Erlinda Rapadas
  • May 5, 2020
  • 4 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Marami ang agree sa sinabi ni Bea Alonzo sa kanilang Instagram tsikahan ni John Lloyd Cruz na ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang GL (greatest love) ng aktor.

Sa lahat kasi ng nakarelasyon ni Lloydie, si Sarah ang napakaespesyal at inirerespeto nang husto ng aktor.

Mararamdaman din sa mga eksena nila sa kanilang mga pinagsamahang pelikula noon ni Sarah na may "special feelings" siya sa kanyang leading lady.

May mga patotoo rin dito ang ilang taong malapit kay JLC. Namumukod-tangi raw talaga si Sarah sa lahat ng babaeng nakarelasyon ni John Lloyd.

Ang siste, hindi na-pursue ni Lloydie ang panliligaw noon sa Pop Princess dahil super heavy guarding daw ang ginawa ni Mommy Divine. Hindi siya nakaporma nang husto kaya naudlot ang kanyang plano para kay Sarah. Nagparaya na lamang siya at unti-unting lumayo kay Sarah at 'yun ang masasabing greatest regret ni Lloydie dahil nag-give-up siya agad.

Si Sarah ang TOTGA (The One That Got Away) ni JLC. At ngayon, maligaya na ang kanyang GL sa piling ni Matteo Guidicelli.

Hinadlangan din noon ni Mommy Divine ang pagmamahalan nina Sarah at Matteo pero hindi sumuko ang mister na ngayon ng Popstar Royalty. Ipinaglaban niya ang kanilang pagmamahalan at sabi nga, true love wins!

Makakatagpo pa kaya si JLC ng isang katulad ni Sarah?

***

JINGGOY, NAIYAK NANG GUSTONG MAGPAKULONG NG MADIR DAHIL SA KANYA

Hindi mapigilan ni dating Sen. Jinggoy Estrada ang maging emosyonal sa kanyang FB Live nang makalabas siya sa presinto ng San Juan. Matapang at buo ang loob ni Jinggoy at hindi siya basta nasisindak ng sinuman. Pero, nang malaman niya na ang kanyang ina na si Dra. Loi Ejercito ang gustong magpakulong mapalaya lang siya ay doon na siya bumigay.

Mahal na mahal ni Jinggoy ang kanyang Mommy Loi. Handa siyang harapin ang lahat para maipagtanggol ang kanyang ina. Pero, siyempre, hindi naman pumayag ang dating pangulo at

Manila mayor na si Joseph Estrada na si Dra. Loi ang sumugod sa presinto ng San Juan kaya siya na ang dumamay kay Jinggoy kasama ang dating vice-mayor ng San Juan na si Janella Ejercito-Estrada.

Limang oras lang na namalagi sa presinto si Jinggoy at pinalaya rin agad. Hindi na rin siya kinasuhan.

Nagpaalala lang si Mayor Francis Zamora na sa susunod na gustong mamahagi ng relief goods ni Jinggoy sa mga residente ng San Juan, gawin niyang formal at kumuha ng permit sa city hall. Dapat ding sumunod sa protocol ng ECQ na pinaiiral.

Samantala, maraming miyembro ng MOWELFUND (Movie Workers Welfare Foundation) ang nagpapaabot ng pasasalamat kay dating Pangulong Joseph Estrada na siyang nagtatag noong 1975 ng nasabing foundation na nagbibigay ng medical assistance sa maliliit na manggagawa sa movie industry.

Maraming talents, extras, character actors, directors, reporters at mga artista ang naging miyembro ng MOWELFUND at nakikinabang at nabibigyan ng benepisyo. Tulad ngayong may COVID pandemic, ang MOWELFUND Cares ay nagbibigay ng cash assistance (ayuda) sa mga miyembro (active o inactive) at kahit papaano ay nakakatulong sa pangangailangan ng mga taga-industriya.

***

GLAIZA, IPINAKILALA NA SA PAMILYA ANG IRISH BF

Mukhang sa isang foreigner din nakatakda ang kapalaran ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro tulad nina Anne Curtis, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, Iza Calzado, Rhian Ramos, Lovi Poe, atbp..

May aktor din na nagparamdam noon kay Glaiza pero hindi nauwi sa seryosong relasyon. Ngayon, isang Irish guy ang nababalitang boyfriend niya na si David Rainey na nakilala niya sa Siargao.

Isa itong surfer at mahilig din sa musika kaya madali silang nagkasundo ni Glaiza. Naipakilala na rin siya ni Glaiza sa kanyang mga partidos.

***

GABBI, TODO-TIKTOK MAIDISPLEY LANG ANG MGA DAMIT

Dahil pansamantalang natigil ngayon ang teyping ng mga GMA shows, nami-miss na raw ni Gabbi Garcia ang pagsusuot ng mga outfits. Hilig pa naman niya ang rumampa at sumunod kung ano'ng fashion ang nauuso.

Kaya naman idinaan na lang niya sa TikTok Challenge ang pagsusuot ng iba't ibang outfits mapagbigyan lang ang kanyang sarili na isuot ang mga paborito niyang damit.

Tuwang-tuwa naman ang mga fans ni Gabbi na makita ang kanilang idolo na mala-fashion model na palit nang palit ng outfit.

Maging sa kanyang mga posts sa social media, binabalik-balikan ni Gabbi ang mga kuha nila na namamasyal kasama sina Yasmien Kurdi at Bea Binene na nakasama niya sa Beautiful Justice.

***

May talent din pala sa pagko-compose ng kanta ang Kapuso actress/host na si Joyce Pring (now Mrs. Triviño) at maraming nagandahan sa lyrics ng komposisyon niyang Alone Together.

Bagay na bagay daw ito sa kaganapang nangyayari sa paligid sa gitna ng pakikibaka natin sa COVID-19.

Two years ago pa isinulat ni Joyce ang Alone Together pero ngayon lang niya nabigyan ng pansin upang mai-record na ito at mapakinggan ng marami.

Last May 4 nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Joyce pero dahil sa enhanced community quarantine, walang naganap na selebrasyon pero sweet naman ang birthday greetings ng kanyang mister na si Juancho.

***

May mga viewers na natuwa nang makita ang quarantine look ng comedian/host na si Divine Tetay na kuntodo may balbas at bigote pa.

Napanood si Divine Tetay sa Binibining ECQ 2020 episode ng bagong comedy channel ng GMA-7, ang YouLOL.

Swak din sa mga manonood ang episode na ginawa ng cast ng Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Marami pang magaganda at nakakaaliw na episode ang YouLol na inihahanda ng comedy team ng GMA-7 sa pangunguna ni Michael V..

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page