top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ikatlong Russian doctor na misteryosong nahulog mula sa bintana ng ospital

  • Lolet Abania​
  • May 5, 2020
  • 2 min read

MOSCOW – Nahulog mula sa bintana ng ospital ang isang Russian health-care professional kung saan ikatlong misteryosong insidente.

Si Alexander Shulepov, isang paramedic at ambulance doctor sa western Russia, ay nasa kritikal na kondisyon dahil sa skull fracture matapos na mahulog mula sa ikalawang palapag ng ospital noong Sabado, pahayag ng local crisis center sa Vesti Voronezh.

Kamakailan, naglabas ng video si Shulepov at kanyang colleague na inirereklamo ang chief doctor ng Novaya Usman village hospital na puwersahan siyang pinagtatrabaho kahit na nagpositibo na siya sa test sa novel coronavirus.

“Everyone says it’s fake, but here are real facts in the first person,” sabi ni Alexander Kosyakin sa video kasama si Shulepov.

Sa ikalawang video, makalipas ang tatlong araw, si Shulepov, 37, na nakahiga sa hospital bed, ay nag-retract ng kanyang inisyal na reklamo, at tinawag silang “emotional”.

Noong Sabado, habang ginagamot si Shulepov sa Novousmanskaya district hospital, nahulog ang naturang doktor mula sa bintana sa 2nd floor ng ospital. Nagtamo siya ng skull fracture at nasa kritikal na kondisyon ngayon. Iniimbestigahan na ng pulisya ang nangyari kay Dr. Shulepov.

Noong nakaraang linggo, si Natalia Lebedeva, chief EMS officer sa isang cosmonaut training center sa labas ng Moscow, ay nalaglag rin mula sa bintana ng ospital na kanyang ikinamatay, matapos na magkaroon ng sintomas ng COVID-19. Ayon sa awtoridad ang kanyang kamatayan ay dahil sa aksidente.

Gayundin, ilang araw bago pa ang insidente kay Lebedeva, isang 47-taong-gulang na si Yelena Nepomnyashchaya, head ng isang Siberian hospital na nag-aasikaso sa pasyenteng may coronavirus, ang nahulog mula sa bintana sa ikalimang palapag ng pasilidad.

Ayon sa anonymous source ng local media, tinututulan ni Nepomnyashchaya, ang repurposing ng isa pang gusali ng ospital para sa coronavirus patients, dahil kapos sa mga protective gear at kulang sa proper training ang ibang staff.

Samantala, ang kumpirmadong kaso ng may coronavirus sa Russia ay sadyang tumaas sa nakaraang buwan, na ang opisyal na bilang ngayon ay 145,000. Mahigit sa 10,000 bagong kaso ang naireport sa loob ng dalawang araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page