top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ABS-CBN sa taumbayan: Kami naman ang inyong damayan

  • V. Reyes
  • May 5, 2020
  • 1 min read

Humihingi ng pagdamay sa taumbayan ang pamunuan ng ABS-CBN kasunod ng pagpapasara sa kanila ng National Telecommunications Commission (NTC).

Hinihimok ni Carlo Katigbak, Presidente at Chief Executive Officer ng ABS-CBN Corporation, ang publiko na ipadama, ipahayag at iparinig ang kanilang nararamdaman sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Naninindigan si Katigbak na ginawa nila ang lahat para matiyak na makakakuha ng lisensiya upang patuloy na maka-ere at makapaglingkod ang ABS-CBN at wala rin silang nilabag na anumang batas.

Sa kabila rin aniya ng utos ng Kongreso sa NTC na bigyan sila ng provisional authority ay hindi nila ito nakuha.

Naninindigan si Katigbak na ang makapaglingkod ang kanilang misyon at kanilang kaligayahan.

Sinabi ni Katigbak na malaki ang naging bahagi ng ABS-CBN sa pagseserbisyo-publiko partikular na sa mga biktima ng sakuna sa bansa gayundin ang pagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang mga palabas.

"Mga Kapamilya, kung naging mahalaga sa inyo ang ABS-CBN, hinihiling po namin na tayo ay patuloy na magtulungan para mapanatili ang serbisyong naidudulot ng ating istasyon," ayon kay Katigbak.

"Sa oras na ito, kami naman po ang humihingi ng inyong pagdamay," dagdag nito.

Matapos ang programang TV Patrol, nag-sign-off o tumigil na ang pag-ere ng broadcast network.

Aabot sa 11,000 ang mga empleyado ng broadcast network.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page