top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

36,271 katao nagkaroon ng closed contact sa mga positibo sa COVID-19 — DOH

  • Madel Moratillo
  • May 5, 2020
  • 1 min read

Aabot na sa 36, 271 indibidwal na nagkaroon ng closed contact sa mga taong positibo sa COVID-19 ang natukoy na ng Department of Health.

Kasabay nito, sinabi ni DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire na may ilang rehiyon na ang mayroon ng 100 percent contact traced.

Habang sa ibang rehiyon naman ay patuloy pa aniya ang ginagawang pagtukoy sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Para naman mas mapalakas pa ang mga ginagawa nilang contact tracing, katuwang na rin aniya ng DOH ngayon maging ang Department of Interior and Local Government, Philippine National Police at LGU.

Tiwala si Vergeire na dahil sa pagdami ng mga contact tracer na kanilang katuwang ngayon ay mas mapapabilis ang kanilang paghahanap sa mga ito.

Mahalagang matukoy ang mga taong nagkaroon ng closed contact sa isang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 dahil may posibilidad na sila ay nahawa.

Kung wala naman silang sintomas ay kailangan lamang nilang mag-self quarantine sa loob ng 14 na araw.

Una nang binatikos ang mabagal umanong contact tracing ng DOH na maaaring nakaaapekto umano sa pagtaas pa ng COVID cases sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page