top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sylvia, kumanta kung paano sila nakaligtas ng mister sa COVID-19

  • Julie Bonifacio
  • May 4, 2020
  • 3 min read

Krista, nanawagan sa mga kano na ‘wag mamakyaw ng tissue

True pala ang nabalitaan namin na nagkakaubusan ng toilet paper sa Amerika. Nasilip namin ang Instagram account ng dating sexy star na si Krista Ranillo na US-based na. At sa profile niya ay ito ang nakalagay, "Please don't hoard toilet paper."

May malaking supermarket kasi sa US ang mister ni Krista na si Nino Jefferson Lim kaya knows niya na nagkaubusan na ng toilet paper dahil sa hoarding.

Hala! Gaano kaya kalakas gumamit ng toilet paper ang mga taga-Amerika?

Maging ang celebrity photographer na si Raymund Isaac ay nagulat sa balitang ito sa Amerika. May suhestiyon tuloy si Raymund na magbenta ng "tabo" ang Pinoy sa US at tiyak na malaking tulong ito sa ekonomiya ng bansa.

Tawag-pansin naman ang ipinost na comment ng isang follower ni Krista sa kanyang IG account.

Post of a certain gigiakousa, "Hello Krista please open one of your supermarket here in Colorado Springs! We don't have good Asian supermarkets here, there are so many Filipinos who live in Colorado Springs (and US flag emoji)."

Anyway, ipinost ni Krista sa kanyang social media account ang pictures sa naganap na simpleng first birthday celebration ng anak niyang si Nyles.

"Happy Quarantine 1st birthday Baby Nyles!!!" post ni Krista.

"None of you are invited.

"Sorry we didn’t get to celebrate your first birthday the way mom planned to, what’s important is you spent your day with the people who love you the most! May you look back at your first birthday and know that even if it was a crazy time, God’s provision saw us through. I love you my baby!"

Ang kyut naman ng isa pa niyang post na picture ni Nyles na nakasuot ng black t-shirt na may nakalagay na "Social Distancer."

"So you’re the reason why my party is canceled!"

Pero sa huli, pinasalamatan ni Krista ang mga bumati sa anak niya.

"Thank you for all the birthday greetings! I love you! - Nyles."

♥♥♥

Sylvia, kumanta kung paano sila nakaligtas ng mister sa COVID-19

"Naiyak" ang karamihang post sa comment section ng Instagram account ng aktres na si Sylvia Sanchez when she posted pictures of her and hubby businessman Art Atayde and their children last Sunday.

As we all know, parehong survivors ng covid-19 ang mag-asawa, pero 'di pa sila nakauwi agad dahil need pa silang i-quarantine for 14 days.

Nu'ng May 1, nalampasan na nila ang lahat ng procedures na kailangang gawin and safe na to be with their children. Kaya sobrang saya ni Sylvia and very emotional sa pagkakataong mayakap muli ang kanilang mga anak.

"Praise and thank you GOD. After 1 month & 9 days, we can now hug, kiss, play, and eat together wd our kids," caption ni Sylvia sa kanyang IG post.

Apat ang anak nina Sylvia at Art. Kabilang dito ang mga artista na ring sina Arjo at Ria Atayde. Ang dalawa pa nilang anak ay sina Gela at Xavi.

"Tandang-tanda ko 'yung pakiramdam ko na 'di namin pwedeng malapitan, mayakap o mahalikan ang mga anak namin. Ang lungkot! Napakalungkot," madamdaming mensahe ni Sylvia.

Inamin din ni Sylvia na nakaramdam pa rin siya ng takot despite following all the procedures na kailangan nilang pagdaanan just to make sure na magiging safe ang pamilya niya.

"Bilang isang ina, araw-araw dinudurog puso ko 'pag naiisip ko na posible naming nahawa mga anak namin. 'Yan ang pinakakinakatakutan ko habang nakikipaglaban kami mag-asawa sa COVID. 'Yan ang ipinagdarasal ko araw-araw sa hospital bed ko na sana 'wag mangyari.

"But today I am grateful to GOD that He heard and answered our prayers. My husband and I are now okay and reunited with our children.

"Finally, nayakap na namin mga anak namin kaninang lunch. Yahoooo!!! Ang sarap-sarap ng pakiramdam!! Ang saya, saya."

Pinasalamatan din ni Sylvia ang pamilya nila ni Art, mga kaibigan, ang ABS-CBN family, fans at iba pa na nanalangin para sa kanilang paggaling.

"But most of all, thank you to all the frontliners that took care of us and to those who continue to fight for everyone. It was not an easy fight but we won because of your unending prayers and love. And with the Grace and Love of GOD.

"Ngayon, haharapin namin ang buhay ulit nang magkakasama. At patuloy kong ipinagdarasal na matapos na ang virus na 'to. In JESUS' name."

Isa sa mga comments na nabasa namin from Sylvia's IG followers ay galing kay riyamendoza. Post niya, "Naiyak po ako sa pictures nyo. Mahirap talaga magkasakit at malayo sa mga mahal sa buhay. I admire your family na kahit malalaki na sila, close pa rin sila sa inyo. Stay safe po and God bless us all."

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page