Hirit sa gobyerno... Mga estudyante ng private colleges at universities, tulungan din
- BRT
- May 4, 2020
- 1 min read

Pinaglalaan ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Sarte Salceda ang gobyerno ng P25 bilyon para sa mga COVID-impacted Tertiary Students ng mga Private Higher Education Institutions.
Ayon kay Salceda na siya ring co-chairman ng Economic Stimulus Cluster ng Defeat COVID-19 Committee, lahat ay dapat makinabang sa P455 billion recovery plan ngayong taon.
Ang ayudang ito ay gagamiting pambayad sa kanilang tuition sa second semester at iba pang bayarin.
Ayon kay Salceda, P16 bilyon ang kukunin mula sa pambansang pondo ngayong taon at P9 bilyon naman mula sa appropriated funds noong 2019.





Comments