Heart, nasa bahay lang, puro branded pa ang suot na parang laging rarampa sa fashion show
- Erlinda Rapadas
- May 4, 2020
- 3 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga

Dedma at walang pakialam si Heart Evangelista sa mga bashers/haters na patuloy na pinapansin ang lahat ng kanyang ginagawa kahit pa nga ang kanyang pagdo-donate ng mga food packs at health kits sa mga health workers at frontliners. Bukod pa rito ang mga humihingi ng tulong at nagme-message sa kanyang Twitter account.
Hindi matiis ni Heart na hindi tulungan ang mga lumalapit sa kanya especially 'yung may mga sakit at mga senior citizens. Kung minsan ay nakakaranas din siyang ma-burn-out at ma-depressed.
'Pag inaatake na siya ng hindi magandang moods, eh, nagbe-break muna siya at nagpe-paint at bongga rin ang naisip niyang TikTok concept dahil umiral pa rin ang kanyang pagiging fashionista.
Aliw na aliw kami sa TikTok niyang iba-ibang outfits ang kanyang suot na halatang mga designer clothes dahil sosyal na sosyal ang dating. At kapag ganito na ang outfit ni Heart, lumulutang ang kanyang pagiging classy at sopistikada.
Mistulang rarampa siya sa Paris Fashion Show. Ang galing niyang magdala ng damit!
♥♥♥
Jinggoy, walang permit sa pamimigay ng tulong kaya ‘inaresto’
May paglilinaw na lumabas sa San Juan Police na hindi nila inaresto ang dating senador na si Jinggoy Estrada nang ito ay mamigay ng isda sa mga bara-barangay sa San Juan.
Inimbitahan lang daw nila sa presinto si Jinggoy para ipaliwanag na lumabag siya sa protocol ng ECQ and proper distancing.
Well, maganda kung tutuusin ang layunin ni ex-Senator Jinggoy. Gusto niyang magbigay ng dagdag na ayuda sa mga mamamayan ng San Juan kaya naisip niyang mamigay ng bangus sa mga residente.
Ang naging problema at pagkukulang lang ni Jinggoy ay hindi siya humingi ng kaukulang permit para sa kanyang pagbibigay ng ayuda sa mga residente ng San Juan tulad ng ginawa ni dating San Juan Vice-Mayor Janella Ejercito nang mamigay ito ng libreng gamot sa mga residente ng siyudad.
Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, walang political agenda ang ginawang pagpigil kay Jinggoy na tumulong at magbigay ng ayuda. Pero, ang paniniwala ng kampo ni ex-Senator Jinggoy ay ayaw daw masapawan ni Mayor Francis dahil marami pa ring supporters sa San Juan ang mga Estrada.
♥♥♥
May sariling fundraising din ang magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto, ang #HealingHearts kung saan nagdo-donate sila ng mga health kits, face masks at PPEs sa mga health workers at frontliners.
May mga kaibigan din sila na nagdo-donate para sa kanilang fundraising projects upang masugpo ang COVID-19 pandemic.
Kahit papaano ay may maise-share sina Sanya at Jak para sa mga nangangailangan ng PPEs, face masks at face shields.
Samantala, ipinalalabas ulit (replays) ang programang Meant To Be ni Jak Roberto kasama sina Barbie Forteza, Addy Raj, Ken Chan at Ivan Dorschner.
Si Sanya naman ay isa sa major cast ng Encantadia kung saan isa siya sa mga Sangres at biggest break niya ito kasama sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Glaiza de Castro.
Samantala, parehong dog lovers ang magkapatid na Sanya at Jak Roberto. Sa ngayon ay may alaga silang sampung aso na may breed at ang mga ito ang pinagkakaabalahan ng magkapatid habang naka-quarantine/naka-lockdown at wala pa silang teyping ng kani-kanilang shows.
Si Sanya ay makakasama sa gagawing show ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa GMA-7, ang Agimat ng Agila. Si Jak Roberto naman ay regular na napapanood sa Bubble Gang at nagge-guest din sa Pepito Manaloto.
♥♥♥
Jessica, ayaw na ayaw maghugas ng pinggan
Nai-feature noong Linggo sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang professor na nag-trending ang ginawang TikTok na comedy ang mga eksena at may titulong "Walang Ganyan Mars."
Isang professor na madalas ma-bully noong siya ay bata pa ang gumawa ng comedy TikTok, si Richo Bautista na taga-Cavite.
Nakakatuwa ang kanyang mga eksena at nakaka-good vibes talaga. May natural talent sa pagpapatawa ang bida sa "Walang Ganyan Mars" TikTok challenge. At naka-relate sa kanya ang KMJS host na si Jessica Soho. Pareho pala sila ni Richo na ayaw na ayaw ang trabahong paghuhugas ng pinggan. Hate na hate nila ang maging dishwasher kapag nasa bahay.
Puwedeng i-build-up si Richo bilang comedian tulad nina Boobay, Donita Nose at Super Tekla.
Masang-masa rin ang kanyang appeal kaya tiyak na magugustuhan siya ng masang Pinoy kapag sumubok na siyang mag-showbiz.
Minsan sa mga istorya sa social media ay may mga bagong talents na nadidiskubre. At napakalakas ng following ng KMJS kaya masuwerte ang naipi-feature sa show dahil malaking mileage ang exposure na makukuha nila rito.





Comments