Andi, nag-post ng sexy picture, tinawag na fake lang
- Beth Gelena
- May 4, 2020
- 3 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Inakusahan si Andi Eigenmann ng mga netizens na fake umano ang ipinost niyang sexy photo sa kanyang social media account.
Super slim na kasi ang katawang ibinalandra ni Andi sa kanyang Instagram account after ng ilang months na ipinanganak niya ang ikalawa niyang baby na courtesy ng live-in partner niya ngayong si Philmar Alipayo.
Though marami ang humanga sa sexy body ngayon ni Andi dahil in a couple of months ay madali raw niyang naibalik sa dati ang kanyang katawan, hindi naman kumbinsido ang ilang netizens. Dumaan daw sa Photoshop ang picture ni Andi. Hindi raw proportioned ang butt at waistline niya sa kanyang mga braso.
Ani ng netizen: "It looks so fake to some degree. Sry (sorry), Andi (with peace emoji). Notice the wood near her butt and too slim waistline which makes her arm bigger."
Hindi natinag ang aktres sa batikos ng netizen at pinasalamatan pa ito ni Andi.
Bumuwelta naman ang mga half-sisters ni Andi na sina Max at Stevie Eigenmann sa netizen.
Sabi ni Max: "I didn't realize strong arms matched with a toned body and firm butt was considered fake na pala."
Sinundan pa niya ng "Good, job baby.. you look amazing!"
Sagot ni Andi, "Thanks ats!!!"
Sey naman ng younger sister niya na si Stevie, "Sry (sorry) too. She ain't techy enough to understand what ur saying but das ok ty for ur tym – her personal editor.”
Sagot ni Andi sa younger sister, "Want to say na I just used my iPhone for this but I got too excited, so thank you na lang!"
Ang ibang netizens naman ay humanga kay Andi dahil nagpursige raw talagang magpapayat ang aktres kaya madaling nawala ang post-partum weight ng anak ni Jaclyn Jose.
Months ago kasi ay ipinost ni Andi ang kanyang pagwo-workout dahil nadagdagan talaga ang kanyang timbang after niyang manganak sa kanyang second baby.
Mas pinili ni Andi ngayon ang manirahan sa Siargao kesa ang magulong buhay sa lungsod.
♥♥♥
Kaya swak na magbi-BFF…
Kim, aminadong pare-pareho sila ng ugami nina Bela at Angelica
Sa pamamagitan ng social media ay binati nina Angelica Panganiban at Kim Chiu ng happy birthday ang kaibigan nilang si Bela Padilla.
Kasabay ng birthday greetings ni Kim ay ipinost niya ang mga kuha nilang larawan ni Bela.
“Happy birthday to this beautiful soul!!!! Thank you for being a great friend to me, you are one of a kind momsie,” caption ng Chinitang aktres.
Esplika ni Kim sa mga pictures, “I know you are not happy on those days and you have a heavy heart but when I told you to smile for the camera you never say no to me. Smile ka lang kahit malungkot ka. So I took plenty of photos as much as I can para kahit papaano, ngumiti ka.”
Sey pa ni Kim kay Bela ay she deserves all the love in the world.
May post din na larawan si Angelica kung saan mahigpit silang magkayakap ni Bela.
Hindi mahabang caption ang inilagay ng ‘Hugot Queen’ actress kundi simpleng “Happy6 birthday” at “I love you” lang.
Ang tatlong Kapamilya artists ay naging best of friends nu’ng 2017. Tawag nilang tatlo sa grupo nila ay AngBeKi (Angelica-Bela-Kim).
Sa isang panayam kay Kim kung papaano nabuo ang friendship nilang tatlo, aniya, nag-gatecrash sila ni Bela sa isang party kung saan invited naman si Angelica.
Kuwento ni Chinita Princess, “Gatecrasher kami ni Bela. Galing kami sa isang birthday, tapos ayaw pa naming umuwi. Pumunta kami doon sa birthday ni Direk Andoy Ranay na nandoon si Angelica. Ang saya-saya. Nagtawanan na lang kami hanggang sa lagi na lang kaming lumalabas.”
Kaya raw sila nagkahulihan ng kanilang loob ay dahil nadiskubre nilang pare-pareho lang silang mabababaw na tao.





Comments