10% dagdag-buwis sa imported oil products, aprub — P-Duterte
- Mylene Alfonso
- May 4, 2020
- 1 min read

Pansamantalang dinagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taripa sa mga imported crude oil at refined petroleum products upang dagdagan ang budget ng gobyerno kontra COVID-19.
Batay sa Executive Order No. 113 na nilagdaan ng Pangulo noong Sabado, papatawan ng dagdag na 10-percent tax ang mga "urgent need" laban sa COVID-19 at para na rin sa recovery at rehabilitation.
"The additional tariffs are on top of the existing Most Favored Nation import duties," ani Pangulong Duterte.
Nabatid na ang Southeast Asian nation ay karaniwang nagpapataw ng hanggang sa 3% na mga taripa sa mga naangkat na produktong petrolyo.
Nabatid na mananatili ang temporary increase sa taripa hanggang epektibo ang Bayanihan to Heal as One Act.





Comments