top of page

Paggamit ng hindi hiyang na shampoo, sanhi ng pagkakaroon ng balakubak

  • Shane Ludovice
  • May 3, 2020
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Kahit nagpalit na ako ng brand ng shampoo ay tila lalong dumarami ang dandruff ko at habang tumatagal ay lalo rin itong kumakati. Ano ba ang puwede kong gawin? – Jojo

Sagot

Ang balakubak o dandruff ay isang uri ng kalagayan kung saan ang balat sa anit ay nagtutuklap. Ito ay dulot ngb mabilis na proseso ng pagkamatay ng balat. Ang balakubak ay hindi sakit na nakahahawa. Karaniwan ang pagkakaroon nito sa mga taong nasa kanilang kabataan, partikular ang mga nagdadalaga at nagbibinata.

Ang balakubak ay mayroong kaugnayan sa kondisyon ng pagkakaroon ng seborrheic dermatitis, na pagiging malangis ng balat at pagtutuklap ng hindi lamang nagaganap sa anit at buhok, bagkus ay nagaganap din sa ilong, mga kilay at iba pang mga bahagi ng katawan. Maaari ring magdulot ng balakubak ang fungus na malassezia.

Maaari ring maging sanhi ng balakubak ang mga produktong para sa buhok tulad ng labis na paggamit ng hairspray, gel, mousse, shampoo at conditioner.

Ang pagiging balisa o stressed ay maaari ring makapagdulot ng balakubak. Kung sa tingin mo na sa gamit na shampoo ang dahilan ng balakubak, subukang gumamit ng mga anti -dandruff shampoo.

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page