Mister ni Solenn, ayaw maging balae si Isabelle
- Nitz Miralles
- May 3, 2020
- 3 min read

Nitz Miralles / Bida
May usapan siguro sina Anne Curtis at Erwan Heussaff at Solenn Heussaff at Nico Bolzico na sabay nilang ipo-post ang photo ng kani-kanilang mga anak ngayong Sunday (May 3). Sabay kasing lumabas ang photo ng baby daughter nina Erwan at Anne na si Dahlia Amelie at ang baby nina Nico at Solenn na si Thylane Katana.
Si Baby Dahlia, solo ang photo na ipinost ni Anne na kuha pa rin ni Erwan. Two-month-old na si Dahlia Amelie.
Four-month-old naman si Thylane na aminado si Nico na mas kamukha ni Solenn at ang hashtag nga nito sa family photo nila ay #MiniSolenn. Almond-shaped gray eyes din kasi ang baby gaya ni Solenn.
Nakakatawang basahin ang mga sagot ni Nico sa mga comments ng gaya ni Isabelle Daza na inirereto na pala ang anak na si Balthazar kay Thylane. Sabi ni Nico, “Dahlia still's available.”
Sa nag-comment na happy siya na kamukha ng baby si Solenn, “Me too! Heheheh” ang sagot ni Nico.
Si Solenn naman ang sumagot ng “agree” sa comment na “Eyes: Solenn, Overall face features: Def Nico.”
Hindi lang siguro papayag si Solenn sa napiling pet name ni Nico sa baby girl nila na #Porota a.k.a. #Chimichurri.”
***
mikael at megan, atras munang lumabas ng bansa after ng lockdown
Sana pamarisan ng ibang Pinoy na mahilig mag-travel ang desisyon nina Mikael Daez at Megan Young na this year, kapag puwede nang mag-travel, hindi muna sila lalabas ng bansa.
Post ni Mikael: “Boneezy (Megan) spoke to me the other day and said we won’t be travelling abroad for the foreseeable future. If possible, all our travels after this crisis will be within the Philippines to help our tourism industry and fellow Filipinos:) After all of this, where in the Philippines would you like to visit first?”
Batay sa mga suggestions ng mga netizens, bisitahin daw nina Mikael at Megan ang Batanes, Siargao, Dinagat, Bohol, Caramoan, Palawan, Cebu, Bacolod, Ilocos Region, Negros Island, Zamboanga, Southern Leyte, Vigan at marami pang iba.
Madalas mag-travel sina Mikael at Megan, makakatulong nga sila kung sa bansa muna sila bibisita.
Saka na ang ibang bansa, kapag medyo nakabawi na ang 'Pinas sa hagupit ng Covid-19.
Kaya lang, matagal pa siguro makakapag-travel sina Mikael at Megan dahil kapag nasa semi-normal na ang bansa natin at kung puwede nang mag-taping, uunahin nitong mag-taping ng Love of My Life na natigil ang airing.
Si Megan naman, puwede nang simulan ang taping ng Legal Wives kung saan gaganap siyang isa sa mga asawa ni Dennis Trillo sa teleserye.
***
Nakakainggit si Mylene Dizon tuwing nagpo-post ng vegetables harvested from her own vegetable garden sa place niya sa Laguna yata. Sa dami ng tanim at hina-harvest ni Mylene, mapapanindigan nito ang sinabing hindi na siya bibili ng vegetables sa labas.
Sa garden niya lang kami nakakita ng talong na white and purple ang kulay. Hindi puro purple ang talong dahil may part na white. May tanim din na red okra si Mylene na kung paano nangyari, hindi natin alam pare-pareho.
Bukod sa gardening, busy din sa pagwo-workout si Mylene na tinawag niyang “balik-alindog” program at kasama niya rito ang boyfriend niyang si Jason Webb. Para nga naman ‘pag nag-resume na ng taping si Mylene ng Bilangin ang Bituin sa Langit, nasa kondisyon na uli ang katawan niya.
***
ANAK NILA NI PAULEEN, MAS NAKIKINIG KAY VIC
Ang cute ni Tali (anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna) dahil ang kinakanta ay ang isa sa hit songs ng VST & Co. na Awitin Mo at Isasayaw Ko. Kahit mali-mali pa ang lyrics at hindi pa mabanggit nang tama ni Tali, nasa tono na siya.
Tinulungan din si Tali nina Vic at Pauleen sa kanyang song number, pero pansin lang namin, mas nakinig siya sa dad niya na kinanta ang chorus. Kapag malaki-laki na si Tali, puwedeng ipaulit nina Vic at Pauleen na kantahin niya ang song and this time, tama na ang lyrics.
Ang ganda rin ng photos nina Vic at Tali, bonding ng mag-ama at naalala namin ang post ni Pauleen na very good father sa kanyang mga anak si Vic. Kita n’yo naman, sinamahan si Tali sa kanyang camping, sa tent sila natulog mag-ama kahit sabihin pang sa loob lang ng kuwarto naka-set-up ang tent.





Comments