top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Pinoy, ililibre ng Japan sa paggamit ng Avigan drug kontra COVID-19

  • Ka Ambo
  • May 3, 2020
  • 1 min read

Ginamit na sa U.S. ang isang klase ng gamot kontra COVID-19.

Hintayin natin kung ano ang side effects!

◘◘◘

MAGKAKASALUNGAT ang mga teorya sa pinagmulan ng deadly virus.

Mananatiling alamat ‘yan!

◘◘◘

INIANGAT na si Cardinal Tagle bilang top adviser ng Santo Papa sa Vatican.

Huwag sana siyang mahawa sa COVID-19!

◘◘◘

ILILIBRE ng Japan ang mga Pinoy sa paggamit ng Avigan drug laban sa COVID-19.

Kumbaga sa Dengvaxia, guinea pig muna ang mga Pinoy!

◘◘◘

NORMAL kapag naka-mask ang kausap mo sa labas ng bahay.

Ngayon, lahat ay mukhang holdaper!

◘◘◘

MATAGAL pang mananatili ang lockdown.

Sa Pasko, may nakamarkang greetings ang face mask: Merry ba ang Christmas mo?

◘◘◘

HINDI malinaw kung itutuloy pa ang school classes o hindi na.

Ulyanin na ang hepe ng DepEd—mabagal magdesisyon!

◘◘◘

KAILAN kaya ipauubaya ang liderato ng gobyerno sa hanay ng kabataan?

Kailan kaya mawawala ang mga dating heneral sa pamahalaan?

◘◘◘

AYON sa Konstitusyon, higit na makapangyarihan ang sibilyan kaysa sa militar.

Paano ‘yan, ‘yung mga nag-uutos sa mga sibilyan—halos lahat dating militar?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page