top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Luane, nanganak na ng baby boy

  • Erlinda Rapadas
  • May 3, 2020
  • 4 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Angel, 'di maasikaso ang kasal dahil ibang tao ang inuuna

Mukhang sa charity projects nakatuon ang panahon ngayon ni Angel Locsin dahil hindi na nga niya naaasikaso ang paghahanda sa plano nilang pagpapakasal ng nobyong si Neil Arce.

Halos sunud-sunod ang ginawa niyang pagtulong mula pa nang pumutok ang Bulkang Taal, tapos ngayon, aligaga siya sa pananalasa ng COVID-19 dito sa 'Pinas.

Ang pagdo-donate ng mga tents sa mga ospital ang kanyang ginawang fundraising project via UniTent We Stand.

Maraming government hospitals ang nakinabang sa project na ito ni Angel na sinuportahan ng mga kapwa celebrities niya sa pangunguna ni Megastar Sharon Cuneta.

Naging katuwang ni Angel sa kanyang mga charity projects ang kanyang businessman boyfriend na si Neil.

Well, say naman ng ilang netizens, sana, after ma-lift ang lockdown sa Luzon, eh, pagtuunan na ng pansin ni Angel ang paghahanda at pag-aayos ng kanilang kasal ni Neil.

Ang alam ng marami, ngayong 2020 ang planong pagpapakasal ng dalawa. Pero, it seems hindi 'yun ang prayoridad ngayon nina Angel at Neil.

Mukhang mauurong at maise-set aside muna ang kanilang wedding plans this year.

Eh, kung mag-civil wedding na lang kaya muna sila at saka na ang kanilang church wedding kung balak nila itong gawing bongga? Para naman maging official Mrs. Arce na si Angel.

***

ANDREA, 'DI KASAMA SI DEREK SA B-DAY

Kung noong last Valentine's Day ay nag-effort si Derek Ramsay na maghanda ng isang sorpresa para sa nobyang si Andrea Torres, marami ang nag-aabang kung ano'ng pasabog na birthday gift ang ibibigay niya ngayong kaarawan ng kanyang GF (May 4).

Noong V-Day, isang cute na cute na imported kitty ang gift ni Derek sa kanyang "beloved" na papasa na bilang misis.

Ang problema, naka-lockdown pa rin ang Metro Manila at may enhanced community quarantine pa. Gustuhin man ni Derek na magkasama sila ni Ada (palayaw ni Andrea) na mag-celebrate ng 30th birthday ng aktres ay hindi nila magagawa.

Virtual birthday celebration na lang ang magaganap at hindi rin nila mai-vlog ang mga kaganapan.

So, abang-abang na lang ang mga AnDrek fans sa sorpresa ni Derek kay Andrea.

***

LUANE, NANGANAK NA NG BABY BOY

Maluwalhating isinilang ng Unang Hirit host na si Luane Dy ang panganay nilang anak ng Kapuso actor na si Carlo Gonzales kahapon (Sabado, May 2).

Isang malusog na baby boy ang isinilang ni Luane na pinangalanan nilang Xpiotos. Ipina-tattoo pa ni Carlo ang pangalan ng anak sa kanyang braso at ipinost sa kanyang social media account.

Masayang-masaya ang bagong mom na si Luane at nagbigay pa ng madamdaming mensahe sa kanyang anak na si Xpiotos.

Sina Luane at Carlo ay ikinasal via civil wedding last November, 2019. December, 2019 naman nang i-announce ni Carlo sa publiko na buntis na si Luane. May plano pa rin silang magpakasal sa simbahan kapag lumaki-laki na ang kanilang baby boy.

Memorable kay Luane ang Disneyland sa L.A., California dahil dito naganap ang kanilang engagement ni Carlo.

***

ILANG RICH NA AKTOR, DEDMA LANG SA PAGTULONG HABANG MAY ECQ

Sa panahon ng COVID-19 pandemic kung saan maraming celebrities ang kani-kanya ng ginagawang fundraising projects para makatulong sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga face masks, PPE, medical kits, atbp., ganu'n din sa pamimigay ng mga food packs sa mga health workers at frontliners, buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa lahat.

Ang mga artistang kumikita ng milyones kahit papaano ay nagse-share rin tulad nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Angel Locsin, Bela Padilla, Bea Alonzo, Pokwang, Ai Ai delas Alas, Sharon Cuneta, Heart Evangelista, Gabbi Garcia, Tom Rodriguez, Regine Velasquez, Willie Revillame, atbp..

Pero may ilang aktor na super rich talaga at umaapaw na ang naipundar na kabuhayan ang hindi man lang nagparamdam at tikom ang palad pagdating sa charity. Ayaw man lang mabawasan ang yaman.

Hindi kaya sila tinatamaan man lang ng kunsensiya? Well…

***

Upang maibsan ang pangamba ng publiko dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19, maglalabas ang GMA Music ng isang compilation album na naglalaman ng mga madamdaming kanta at tiyak na magugustuhan ng lahat especially ng mga music lovers.

Mga heartfelt songs mula kina Alden Richards, Kyline Alcantara, Rita Daniela, Princess Velasco, Kristoffer Martin, Golden Cañedo, Migo Adecer, The Clash alumnus at Ms. Jolina Magdangal ang pinagsama-sama sa compilation na iri-release ng GMA Music.

Sa panahon ngayon na nababalot ng kaba, takot at pag-aalala ang marami dahil sa COVID-19, makakagaan pa rin sa ating pakiramdam ang pakikinig sa mga magagandang musika.

***

GABBI AT KHALIL, NAG-SOLICIT PARA SA COVID-19

May mga natutuwa sa ginagawang pagtulong ni Gabbi Garcia at ng boyfriend niyang si Khalil Ramos sa mga health workers, frontliners, atbp. na nangangailangan ng ayuda at relief goods.

Kahit hindi nagkikita/nagkakasama, napagtulungan nina Gabbi at Khalil ang paghingi ng donasyon mula sa kanilang mga kaibigan at kakilala kaya nakalikom sila ng sapat upang maipambili ng PPEs, face masks, alcohol, face shields, atbp. na naipamigay nila sa mga ospital. Pati na rin 'yung mga lugar na nangangailangan ng mga food packs at relief goods ay kanilang natulungan.

At least, may makabuluhang charity projects na pinagkaabalahan sina Gabbi at Khalil sa panahon na naka-ECQ-naka-lockdown sila.

***

RODERICK, VICE AT PAOLO, SAMA-SAMA SA MGA HULING BAKLA SA BALAT NG LUPA MOVIE

Cute ang project na balak gawin ni Direk Joel Lamangan na ang gusto niyang mga bida ay ang tatlong sikat na comedians na sina Roderick Paulate, Vice Ganda at Paolo Ballesteros na may tentative title na Mga Huling Bakla sa Balat ng Lupa.

Magkakaibang henerasyon sa showbiz sina Roderick, Vice at Paolo. Iba't iba rin ang style ng kanilang pagkokomedi kaya tiyak na riot ang project na kanilang pagsasamahan.

Wala naman sigurong magiging problema sa billing kung saka-sakali at walang magpoprotesta kung mauuna ang veteran comedian na si Roderick. Maging sa talent fee for sure, kakayanin ng producer.

Sana, after lockdown, umpisahan na ang movie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page