top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ivana, pinaiyak ng mga utol, gumanti, nilagyan ng 1 plangganang ipis sa kama

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • May 3, 2020
  • 3 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nakakaloka ang bagong prank ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel bilang pagganti sa panti-trip ng madir at mga kapatid niya sa kanya.

Kamakailan kasi ay pinaiyak nila si Ivana dahil sa ignoring prank o ‘yung prank na hindi siya pinapansin.

Sey ni Ivana, “Kung matatandaan n’yo, not so long ago, may mga taong nanakit sa akin, nagpaiyak sa akin, sinaktan ‘yung puso ko at hindi, hindi ‘to ‘yung mga ex ko. Iba ‘to dahil sila ang aking family and in-ignore nila ako, hindi nila ako pinansin kaya I think it’s time. It’s time for me to give back to them the feeling of hurting.”

Aniya ay hindi na niya isasama sa prank na ‘to ang kanyang madir dahil minsan na niyang nabiktima ito sa kanyang boyfriend prank with DJ Loonyo.

Sey ni Ivana, “Kapag binawian ko siya ulit dito, baka masampal niya ako and medyo, hindi pa naman ready na masaktan ‘yung mukha ko ngayon kasi masakit na ‘yung puso ko, charot!”

Isang plangganang pekeng ipis ang ginamit ni Ivana sa kanyang prank dahil sobrang duwag daw dito ang kanyang dalawang kapatid.

Aniya, “Naisip kong bumili ng 500 pcs. at ikalat sa kanilang kama. The time is 6:15 AM at gumigising sila ng mga alas-onse, alas-dose, ala-una, alas-dos, alas-tres, depende talaga sa mga mood nila.”

Una niyang biniktima ang bunsong kapatid na si Mona Louise Rey. Ibinuhos niya ang isang plangganang pekeng ipis sa kama nito.

Then, nag-play siya ng audio na “Good morning, Mona. Welcome to the land of ipis where we all come in peace,” para magising si Mona.

Nang magising si Mona, nagtitili ito at halos umiyak pero nang makita niyang tumatawa si Ivana, nalaman kaagad niyang pinagtripan siya ng ate niya. Dahil dito, naging magkakutsaba sina Mona at Ivana na i-prank naman ang kapatid nilang si Hashim.

Joint forces sina Ivana at Mona sa pagkalat ng ipis sa kama ni Hashim at nang i-play ng sexy actress ang audio, sinubukan ni Hash na magtalukbong at nang maramdaman niya na may something sa kumot niya, napasigaw ito at nalaglag pa sa kama. Ang malupit lang, eh, ang paglundag niya sa mesa sa gilid.

Halos mamatay sa kakatawa sina Mona at Ivana. Nakakatuwa lang ang closeness nilang magkakapatid dahil hindi man lang napikon o nainis sina Mona at Hash kay Ivana, eh, ‘di ba, may kasabihang magbiro ka na sa lasing, ‘wag lang sa bagong gising?

‘Kaloka talaga si Ivana!

Anyway, bentang-benta sa mga netizens ‘to, ah, dahil 19 hours ago pa lang niyang naipo-post ito sa kanyang YouTube channel ay umani kaagad ng 2,673,749 views at 303K likes.

***

ANNE, TODO-POST NG PIKTYUR NG ANAK, PA-SUSPENSE NAMAN

Muling nag-post si Anne Curtis ng piktyur ng anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie dahil 2 months old na ito pero as usual, naka-side view pa rin ang cute na baby kaya hindi pa masyadong kita ang mukha nito.

Caption ni Anne sa kanyang Instagram post, “My Little Autumn Baby. Yesterday, was 2 months of getting to cuddle and kiss this sweet, sweet little girl. It’s insane how she’s growing so fast. Cherishing her days of being this tiny.

“Love you so much our cheeky little possum, Dahlia Amelie.”

May isang netizen na nagtanong kung breastfed baby ba si Dahlia at sey ni Anne ay oo.

Napakarami nang naghihintay na ipakita ni Anne ang buong face ng kanyang baby dahil 56 minutes pa lang niyang naipo-post ang nasabing larawan ay umabot na kaagad sa 187,052 ang likes nito with 2,643 comments.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page