Higit 30 pumanaw dahil sa COVID-19... Early testing at treatment sa MGA health workers — PMA
- Mylene Alfonso
- May 3, 2020
- 1 min read

Aabot sa mahigit 30 health workers ang binawian ng buhay dahil sa Coronavirus Disease 2019, ayon sa Philippine Medical Association (PMA).
Kaugnay nito, inirekomenda ni PMA President Dr. Jose Santiago na bigyan ng early testing at treatment ang mga health workers dahil exposed ang mga ito sa virus habang naka-duty.
Sa ngayon, patuloy pa rin aniyang tumatanggap ng mga health worker volunteers ang mga ospital.
Samantala, nagpapatupad umano ng skeletal workforce ang mga ospital upang mabigyan ng pagkakataon ang mga health workers na makapagpahinga.





Comments