top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Guidelines sa mga PUVs na balik-pasada, dapat bantay-sarado!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3, 2020
  • 1 min read

Nagsimula na noong Biyernes ang general community quarantine sa ilang lugar sa Luzon kung saan bukod sa muling pagbubukas ng ilang negosyo ay balik-pasada na rin ang mga piling pampublikong sasakyan.

Alinsunod sa guidelines na inilabas ng Department of Transportation (DOTr) sa pagbiyahe ng mga PUVs, mandatory na ang pagsusuot ng mga pasahero ng face masks at kailangang magsagawa ng regular na disinfection ang lahat ng PUV units.

Gayundin, dapat magsakay lamang ng hindi lalagpas sa 50% ng vehicle capacity para masiguro ang physical distancing.

Mahigpit namang ipatutupad ang pagtse-check ng body temperature sa mga pasahero, paglalagay ng disinfecting facility equipment na may alcohol o sabon sa lahat ng entrada at kailangang sundin ang social distancing sa loob ng terminal.

Samantala, hindi pinapayagan ang mga bus na huminto para magsakay o magbaba ng pasahero sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Limitado rin ang magiging operasyon ng mga pampasaherong jeep at maglalabas ng guidelines ang LTFRB para rito.

Maaari na rin mag-operate ang mga taxi at TNVs pero kailangang sundin ang physical distancing kaya bawal ang multiple bookings sa single trips.

Papayagan namang bumiyahe ang mga tricycle, pero bawal pa rin ang mga motorcycle taxis.

Inihayag din ng DOTr na magsasagawa ang mga tauhan ng LTFRB at LTO ng random inspections araw-araw sa mga bumibiyaheng PUVs, sa mga terminal at depots.

Sa ganitong panahon, dapat ay natuto na tayong sumunod sa mga panuntunan. Ito ay pinag-aralan at binuo hindi para lang masabing may ginagawa ang gobyerno kundi ito ay para sa kapakanan ng lahat.

Kaya mula sa mga operator, drayber hanggang sa mga mananakay, sumunod tayo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page