Extreme ECQ, ipatutupad sa Navotas
- Maeng Santos
- May 3, 2020
- 1 min read

Magpapatupad na ng Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) sa Navotas City simula alas-5:00 ng madaling-araw ng Mayo 6 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Mayo 15.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kailangan nang magsagawa ng matinding aksiyon para mapigil ang pagdami ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa alkalde, sa ilalim ng EECQ, ang mga residente sa bawat barangay ay mayroon lamang nakatakdang araw upang makalabas ng bahay para mamili ng mga pangunahing pangangailangan.
Papayagan lamang makalabas ang sinumang may hawak ng home quarantine pass at dapat nakasuot ng face mask.
Wala namang maaaring lumabas tuwing Linggo dahil ito ang araw para sa disinfection sa mga pamilihan.
Mananatili namang bukas ang mga drugstores sa Linggo, May 10, para lamang magbenta ng emergency medicines.





Comments