Dumaan sa mataas na tulay, sign na magkakaroon ng bagong buhay kaya dapat maging matapang
- Socrates Magnus
- May 3, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Lourdes Fernandez na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip na dumaan ako sa mataas na tulay?
Naghihintay,
Lourdes
Sa iyo Lourdes,
Ang tulay ay laging nasa pagitan ng dalawang lugar kung saan ang unang lugar ay ang kasalukuyan at ang pangalawang lugar ay ang future.
Dahil ang tulay ay kailangang tawirin, ibinabalita sa nanaginip na hindi magtatagal ay mabubuhay siya sa bagong daigdig at ito ay mangyayari kung lalakasan niya ang kanyang loob na tawirin ang tulay sa kanyang panaginip.
Kaya, Lourdes, lakasan mo ang loob mo at maging matapang ka. Muli, tawirin mo ang tulay ng bagong buhay mo.
Paano kung hindi mo ito gagawin? Walang magiging pagbabago sa buhay mo kung saan ang pagbabago ay ang pagganda ng iyong buhay kaysa sa kasalukuyang kalagayan.
Mayroong ibang klase ng pagbabago at ito ay ang kapag hindi ka tumulay, magbabago rin ang buhay mo, pero hindi sa magandang paraan dahil ang pagbabago ay mababagot ka, mas madarama mo ang hindi maipaliwanag na lungkot at ang kawalan ng pag-asa ay aangat sa next level kung saan madalas na iinit ang iyong ulo hanggang sa hindi ka maunawaan ng mga nasa paligid mo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments