top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Barangay official na hahatiin ang cash assistance sa mga pamilya, kulong! — DILG

  • Madel Moratillo​
  • May 3, 2020
  • 1 min read

Binalaang makukulong o masususpindi ang opisyal ng barangay na hahatiin ang cash assistance ng gobyerno sa mga pamilya.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang paghahati ng financial subsidy mula sa social amelioration program ay paglabag sa Republic Act 11469 o “The Bayanihan to Heal as One Act”.

“Kung totoo man po ang mga reports na ‘yan na hinati nga ang ayuda para sa mga pamilya, ‘yan po ay ipinagbabawal sa batas at puwede po silang masuspindi at makulong pa kung ginawa talaga nila,” giit ni Malaya.

Nauna nang sinabi ng ahensiya na nakatatanggap ito ng mga ulat na hinahati ang cash assistance sa mga pamilya sa isang barangay upang mas marami ang makinabang dito.

Hinimok ni Malaya ang publiko na agad iulat sa DILG ang ganitong pangyayari o anumang anomalya sa kani-kanilang mga lugar.

“Kung meron po kayong ebidensiya na ang inyong kapitan o ang iyong local government official ay ‘yan nga ginawa, ipadala niyo po kaagad-agad sa DILG,” saad ni Malaya sa publiko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page