top of page

Problemado dahil limitado ang budget? Mga dapat gawin para makatipid kahit maraming gastusin

  • Justine Daguno
  • May 2, 2020
  • 2 min read

Marahil ay marami sa atin ang napapaisip ngayon na mahirap maka-survive sa panahon ng krisis lalo na kapag walang ipon.

‘Yung tipong dahil suweldo o ayuda lang sa gobyerno ang inaasahang panggastos, kailangang higpitan ang sinturon dahil saktuhan ang budget na kailangang pagkasyahin hanggang susunod na pagdating ng pera.

Sa kasalukuyan nating sitwasyon, anu-ano nga ba ang mga paraan para makapag-save tayo sa kabila ng limitadong source of income?

1. Relax for less. Hindi kailangang magastos ang pagre-relax lalo na kung nasa bahay lang naman. Imbes na magbabad sa internet o magdamag na manood sa T.V. ay magbasa na lang ng libro, matulog o mag-meditate. For sure, malaki ang matitipid mo sa load lalo na sa kuryente.

2. Mag-alaga ng halaman. Sa panahon ngayon, advantage na rin kapag marunong ka mag-alaga ng halaman. Hindi lamang ito simpleng habit na pantanggal ng stress dahil malaking tulong din ito para makatipid. Kung sisimulan na ngayon ang pag-aalaga ng mga halaman, sa paglipas ng panahon ay no need na bumili ng sibuyas, bawang, kamatis at iba pa dahil libre mo na itong makokonsumo.

3. Iwasan ang food delivery services. Huwag munang magpa-deliver ng pagkain o isantabi na muna ang cravings lalo na kung “strict ang budget”. Pero kung hindi talaga matiis, for sure, marami tayong panahon para magluto. Hindi reasonable na hindi marunong magluto dahil ang Google at YouTube ay one click away lang. Nakatipid ka na, mapa-practice mo na ang skills na ‘yan!

4. Bigyan ng time ang home repairs. Idagdag na rin sa listahan ng quarantine checklist mo ang home maintenance lalo na kung hindi naman major repair ang problema. Huwag na magbayad sa labor ng magtatapal sa butas ng bubong, mag-aayos ng sirang mesa, upuan, pinto, cabinet at iba pa. Muli, kung hindi marunong, i-explore lang sa internet kung paano ito, basta siguraduhin na palaging safety first.

5. I-review ang mga bayarin at resibo. Malamang ay aware tayo na maraming bayarin ang naipon dahil maraming estiblisimyento ang pansamantalang nahinto sa operasyon. I-review at pag-aralang mabuti ang mga ito. Kung naitago pa ang mga resibo sa mga ipinamili, puwede rin ikumpara ang presyo ng mga produkto nang sa gayun ay may ideya tayo kung magkano ang matitipid natin sa simpleng pagbili ng anumang produkto.

Kung iisipin ay mas madali talagang gumastos kesa mag-ipon lalo na kung feeling mo ay marami kang dapat i-maintain o kailangan sa buhay. Ang pag-iipon ay hindi lang dapat hanggang pagpaplano kundi sinisimulan ito. Tandaan na ito ay may kalakip na dedikasyon at disiplina sa sarili upang maging epektibo. Ganern!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page