Members ng Phil. Air Force, excited nang makasama si Alden
- Nitz Miralles
- May 2, 2020
- 4 min read
Nitz Miralles / Bida
KC at Garie, close na close kahit magkaiba ang madir
Close pala talaga si KC Concepcion sa half sibling niyang si Garie Concepcion at mararamdaman ito sa thank you post niya sa kapatid na nagpadala ng chocolate-covered strawberries.
Post ni KC: “To my sister @garie_concepcion, cheesy as it may sound, you never fail to make me feel loved x appreciated. Though we didn’t grow up together, you are pure evidence that what matters most is what we do TODAY & everyday! Sooo thoughtful to surprise me w/ a handwritten message x chocolate covered strawberries!!! Haha, oh man... I was just talking about this in my Q&A! No one’s perfect but I can only hope to be the best big sis to you. Thank you sis! ILY.”
Ang sweet naman ng sagot ni Garie na… “Love you Ate! You’re the best sis one could ever have,” na ikinatuwa ng mga nakabasa.
Sweet daw ang magkapatid kahit magkaiba ang ina at hindi masyadong nagkikita habang lumalaki.
Sa Instagram (IG) account ni Garie, mababasa ang pangalan ni KC at ng ama nilang si Gabby Concepcion na nag-like at nagko-comment sa post niya.
♥♥♥
Members ng Phil. Air Force, excited nang makasama si Alden

Naka-post sa Facebook account ng Philippine Air Force ang news item na balak pumasok sa Air Force ni Alden Richards.
Nalaman ito sa Instagram Live ng aktor nang may magtanong kung kumusta ang invitation sa kanya ng Philippine Air Force.
Ang sagot ni Alden, “Actually, Ma'am, there was an invitation sent for me. And I’m really considering to be part of it. I’m just clearing things out with the management and siyempre, it’s a way of being part of the people who are really concerned sa Pilipinas and I want to be part of it.”
Pinaghahandaan ni Alden kung kailan niya matatanggap ang invitation sa kanya dahil kailangan niyang dumaan sa training bago maging reservist.
Knowing Alden, gagawan niya ng paraan na matupad ito.
Nakakatuwang basahin ang comment na hindi pa man nagte-training si Alden, wine-welcome na siya at magsimula na raw magpraktis ng squat thrust at sit-ups na 60 sits-up per minute.
May sumagot naman na kaya ni Alden ang mga ‘yun dahil sanay siyang mag-workout.
May nag-comment naman na mag-PAF Reservist na lang si Alden, ‘wag na lang mag-TikTok, na sabi nito, ibibigay na lang niya sa kanyang ama ang pagti-TikTok.
Samantala, hindi pa man tinatanggap ni Alden ang invitation ng Philippine Air Force na mag-training at maging reservist, marami nang members ng PAF ang nagwe-welcome sa kanya.
May nagpayo na rin kay Alden na simulan na ang pagwo-workout bilang paghahanda sa rigid training.
♥♥♥
Ruffa Mae, sinisi ang init sa ‘Pinas kaya todo-buyangyang
Naaliw kami sa sagot ni Rufa Mae Quinto na “Mainit sa 'Pinas, winter sa Korea” sa tanong ng isang netizen na bakit ang mga Korean actresses ay hindi nagpapakita ng sobrang flesh samantalang ang mga Pinay actresses, halos ipakita na ang lahat?
Comment ito ng netizen sa ipinost na photo ni Rufa Mae kasama si Kim Chiu kung saan ang suot nila ay parang bikini tops at parehong kita ang boobs nilang dalawa. Si Rufa Mae nga, parang maliit ang suot na bikini tops at halos nipples na lang nito ang natatakpan.
Nakita rin siguro ng netizen ang ibang photos ni Rufa Mae na karamihan, naka-swimsuit at madalas pa nga, naka-two-piece.
Sa sagot na ‘yun ni Rufa Mae, pinatawa niya ang mga nai-stress na Pinoy.
Kumampi kay Rufa Mae ang ilan niyang followers sa IG at sinabihan ang nag-comment na sa Korea na lang siya at wala siyang nakikitang masama sa mga babae who flaunts their skin. Tama namang katawan nila ‘yun.
Nasa San Francisco, California pala si Rufa Mae at ang anak nitong si Athena, stranded ang mag-ina but at least, kasama nila ang husband niya kaya less stress at anxiety ang comedienne-actress.
♥♥♥
Derek, negatibo sa COVID-19
Ang post ni Derek Ramsay na “Thank You Lord. My test results for COVID-19 came out negative” ay ikinatuwa ng kanyang mga kaibigan. May nag-congratulate pa kay Derek dahil dito.
Kaya lang, may nag-comment na kahit negative ang test niya ay ‘wag maging complacent at kailangan pa rin niyang mag-ingat, laging magsuot ng face mask, face shield at gloves all the time.
Nakakaalarma rin ang ipinost ni Derek na marami ang may pneumonia sa isang lugar sa may Alabang na hindi nate-test at may mga namamatay daw at may burol pa na ipinagbabawal. Ini-report na ni Derek ang tungkol dito.
Anyway, hindi na talaga sanay si Derek na mahaba ang kanyang buhok dahil noong isang araw, nagpa-skin head na uli s'ya.
Samantala, 30th birthday ni Andrea Torres sa Monday, May 4, pero dahil sa enhanced community quarantine, hindi makakapag-celebrate ang magdyowa.
Kung wala lang COVID-19, tiyak na may pa-birthday party si Derek sa GF niya gaya ng ginawa ni Andrea nu'ng kaarawan niya last December 7, kung saan binigyan siya ng surprise party ng magandang aktres at present ang kanyang pamilya.




Comments