Mapagsamantalang negosyante, tiklo
- BRT
- May 2, 2020
- 1 min read
Albay—Inaresto ang isang mapagsamantalang negosyante na nagbebenta ng overpriced na alcohol kamakalawa sa Bgy. Calzada, Ligao City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rowena Rivera, residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng overpriced na alcohol si Rivera kaya naglunsad ng buy-bust operation ang mga awtoridad laban sa suspek.
Nang pagbentahan ni Rivera ng overpriced na alcohol ang pulisya ay dito na siya dinakip ng mga awtoridad.
Kusa namang sumama sa pulisya si Rivera na nahaharap sa iba’t ibang kaso.





Comments