top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Mayo 02, 2020 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • May 2, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 2, 2020 (Sabado): Likas sa iyo ang pagiging mabait sa kapwa. Kaya naman ang langit mismo ay mabait sa iyo at pagkakalooban ka ng napakaraming biyaya at pagpapala.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Wala namang pinagbago dahil tuloy pa rin ang utos na bawal lumabas ng bahay. Pero kailangan na may magbago sa iyo at ito ay ang magdagdag ka ng pasensiya at malawak na pang-unawa. Masuwerteng kulay-green.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakapagod din ang walang ginagawa. Maglinis ka naman ng bahay na dati nang malinis. Mas magandang makipagkuwentuhan ka gamit ang social media. Masuwerteng kulay-yellow.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit saan, puwede namang magsaya ang tao. Tulad mo, bakit papayagan mo na hindi ka sumaya kahit bawal lumabas ng bahay? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

CANCER (June 21-July 22) - Nakilala mo nang husto ang mga taong sa una ay inakala mong handang umalalay sa iyo, pero ngayon ay hindi mo makita at makausap. Dapat ay may natutunan ka. Masuwerteng kulay-pink.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mawawala sa bokabularyo mo ang salitang kabiguan kapag puwede nang lumabas ng bahay. Ito ay mangyayari dahil sa dami ng naipon mong magagadang pormula ng tagumpay. Masuwerteng kulay-beige.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umangal ka. Hindi makagaganda sa tao ang pagkimkim ng sama ng loob. Pero sa pag-angal, walang problema kung walang makarinig, basta masabi mo lang, sapat na ito para gumaan ang loob mo. Masuwerteng kulay-blue.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mong mahirapan ang nagpapatupad ng bawal lumabas, pero hindi ka dapat susuway. Nakakapagod din ang kanilang ginagawa na paulit-ulit na pagbababala. Masuwerteng kulay-black.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakatutuwa ang buhay sa mundo sa kabila ng mahigpit na utos na walang lalabas ng bahay. Ang mga bantay, sa totoo lang ay sawa na rin kaya ‘di sinasadyang nagluluwag na sila. Masuwerteng kulay-violet.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagod na ang lahat kaya marami ang iinit ang ulo sa hanay ng bantay at binabantayan. Sikapin mong huwag mapabilang sa kanila. Kumalma ka lang sa anumang sitwasyon. Masuwerteng kulay-peach.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag biglang uminit ang ulo mo, bumilang ka ng sampu at huminga nang malalim. Huwag mo itong kakalimutan dahil ito ang solusyon sa harap ng nakaiinis na pangyayari. Masuwerteng kulay-red.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali lang naman na maging kalmado. Ugaliin mong kumain ng pagkaing maraming sabaw at iwasan mong kumain ng matitigas na mahirap matunaw na pagkain. Masuwerteng kulay-brown.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sapat na rin ang kulang. Ito ay puwede kapag hindi ka reklamador. Minsan nga, ang sobra ay kulang at ito ay kapag ang tao ay nakaugalian nang magreklamo at maghanap ng mali. Masuwerteng kulay-white.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page