top of page

23-anyos na may 2 manliligaw, gustong maka-sure kung sino ang ka-compatible at pang-forever

  • Maestro Honorio Ong
  • May 2, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro,

Twenty-three years old na ako noong April 14 at may dalawa akong masugid na manliligaw. Ang una ay tawagin nating Mr. Sagittarius na isinilang noong December 8, 1994 at ang pangalawa ay tawagin nating Mr. Cancer na isinilang noong July 12, 1995.

Sino sa kanilang dalawa ang mas ka-compatible ko dahil ngayong 23 na ang edad ko, balak ko nang mag-boyfriend at sagutin ang isa sa kanila. Sana ay mabigyan ninyo ako ng advice kung sino ang dapat kong piliin upang magkaroon ng maligaya at successful na love life balang-araw.

Umaasa,

Hasmine ng Maligaya, Mariveles, Bataan

Dear Hasmine,

Ayon sa zodiac sign mong Aries na may elementong fire o apoy, higit mong ka-compatible si Mr. Sagittarius kung ikukumpara kay Mr. Cancer. Ito ay dahil si Mr. Sagittarius na isinilang noong December 8, 1993 ay nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius, na tulad ng Aries na siyang zodiac sign mo ay nagkataong pinaghaharian din ng elementong fire o apoy.

Ibig sabihin, sa Western Astrology, tunay ngang tugma ang Aries at Sagittarius dahil kapwa sila nagtataglay ng elementong fire o apoy kung saan ito ang unang teorya o batas sa compatibility na nagsasabing same feather flocks together.

Gayundin, sa aspetong Numerology, si Mr. Sagittarius pa rin ang ka-compatible mo na may birthday na December 8, o Taong Otso (ang 17 ay 1+7=8) ay sadyang ka-compatible din ng birth date mong 14 o 5 (1+4=5).

Sinasabing sa sandaling magkatuluyan ang birth date na 5 at 8, ang kanilang relasyon ay hindi lang magiging maligaya at maunlad, sa halip, yayaman pa sila sa pagnenegosyo o sa walang habas na pangingibang-bansa, hanggang sa makapagpatayo sila ng bahay na yari sa bato na may 4th floor. Gayundin, nakatakda silang biyayaan ng mga anak na matatalino at responsable sa buhay na maaari ring ang pagiging successful ng mga anak ay siya ring ikayayaman pa ng buong pamilya.

Kaya walang duda, ngayong tumuntong na sa 23 ang iyong edad at nagbabalak ka nang magka-boyfriend o maghanda sa pag-aasawa, tamang-tama lang na kung mahal mo si Mr. Sagittarius at kung binata naman siya at may hanapbuhay, wala kang dapat gawin kundi siya ang piliin mong maging boyfriend upang sa panahong ikaw ay mag-aasawa na, matitiyak ang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page