Julia, ipinagtanggol... Sigaw ni Dra. Belo: Mas oks na 'wag magsuot ng bra
- Nitz Miralles
- May 1, 2020
- 3 min read
Nitz Miralles / Bida
Solenn, ibinuking na ang mister ang ayaw magpakita ng baby nila sa publiko
Malapit nang mag-1 M ang likes sa post ni Solenn Heussaff ng photo nila ng baby girl nila ni Nico Bolzico na si Thylane Katana and as of 4 PM yesterday, umabot na sa 952,103K ang likes sa photo ng bagets. May 21,937 comments na rin ang post at lahat, maganda ang mga comments.
Karamihan sa mga comments, lalo na ng mga friends ni Solenn, gusto na nilang makita si Baby Thylane, na at four months, malaki na at madaldal. Parang naiintindihan na nito kapag kinakausap siya in French language ni Solenn.
Sa interview, sabi ni Solenn, between her and Nico, mas protective raw ang mister niya at ito ang ayaw munang ipakita sa tao ang mukha ng baby nila. Ang paalam ni Solenn sa asawa, paminsan-minsan lang nila ipo-post ang photos ng anak.
Nabanggit din ni Solenn ang rason kung bakit matagal bago niya ipinost ang photo ni Baby Thylane. Iniwasan niyang ma-bash ang anak na nangyari na nga dahil may mga pasaway na walang magawa at nag-comment ng hindi maganda, mabuti at hindi yata nabasa ni Solenn. Saka, isa lang siya na may nega comment, the rest, puro positive at gaganahan sina Solenn at Nico to post more photos of their daughter.
Nakakabilib sina Nico at Solenn, sila mismo ang nag-aalaga sa baby nila at wala silang yaya. Ayon kay Solenn, 24/7 silang magkasama ng anak. And yet, ang dami pa rin niyang nagagawa.
Sabagay, kilala si Solenn sa pagiging multi-tasker na para bang ang dami niyang free time.
Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Solenn ngayon ay ang pagwo-workout dahil medyo tumaba siya. Hintayin nating maging seksi uli siya.
♥♥♥
Julia, ipinagtanggol…
Sigaw ni Dra. Belo: Mas oks na ‘wag magsuot ng bra

May pa-hashtag si Dra. Vicki Belo na #LetTheBreastsBreathe na patungkol sa reaksiyon ng ilang netizens sa braless photo ni Julia Barretto.
Ipinost kasi ni Julia ang OOTD daw niya during ECQ kung saan braless siya at ‘yun agad ang napansin ng ilang netizens.
Sari-sari ang reaksiyon ng mga netizens. May nag-agree na kung nasa bahay ka lang at wala namang ibang tao, mas maganda kung hindi magsusuot ng bra.

May mga hindi rin naman pabor lalo na nang i-post ni Julia ang photo niya na bakat ang nipple.
Kaya nagsalita na si Dra. Vicki, “@JuliaBarretto’s post got some negative comments when she posted a photo of her lounging at home braless. I think Julia is right. Sometimes, it’s better not to wear a bra if you’re just lounging around the house, and especially if your breasts are not over a B cup or are not sagging. Not wearing a bra allows for better blood circulation especially in the lung and breast area. Secondly, bra straps can be pressing on the area between the shoulder and the neck leading to neck pain. #LetTheBreastsBreathe."
♥♥♥
Kyline, nagkudkod ng niyog sa probinsiya, bentang-benta sa fans
Stranded sa Bicol si Kyline Alcantara at ang pamilya niya. After May 15 at kapag na-lift na ang enhanced community quarantine, saka pa lang sila makakabalik ng Manila.
Sa posts ni Kyline, mukha namang nag-enjoy siya sa buhay-probinsiya at binalikan ang mga araw na tumutulong siya sa paghahanda ng kanilang pagkain gaya ng gulay.
May post pa si Kyline na nagkukudkod ng niyog na ginagawa pala niya mula noong bata pa siya. Pinuri si Kyline dahil hindi pa-star at dahil sa post niyang nagkukudkod ng niyog, marami ang naka-miss sa buhay nila sa probinsiya.
Speaking of Kyline, pinasalamatan niya ang 3.3 M followers niya sa Instagram (IG).
Nalampasan pa niya ng number of followers ang ibang Kapuso stars and to think na kontrabida siya sa una niyang teleserye sa GMA-7 na Kambal Karibal.
Airing ito ngayon sa Kapuso Network at talaga namang nakaka-high blood ang kamalditahan ng kanyang karakter.
Nadagdagan ang mga followers nito dahil sa mga nag-like sa pinauso niyang dance craze na agad pumatok sa TikTok.





Comments