Horoscope | Mayo 01, 2020 (Biyernes)
- Maestro Honorio Ong
- May 1, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Mayo 1, 2020 (Biyernes): Mas maraming biyaya at pagpapala ang mapasasaiyo. Ibahagi mo sa kapwa mo ang mga ito nang sa gayun ay patuloy kang mapabilang sa mapapalad na nilalang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pangunahan mo ang pagpapakita ng malasakit sa mga nagsasakripisyo. Kapag ikaw ang tumayong lider, mas marami ang maitutulong ninyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paparami ang nagrereklamo kaya habaan mo ang pasensiya mo. Sa haba ng mga araw na hindi nakagalaw ang mga tao, ang pag-init ng ulo ay hindi maiiwasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.
GEMINI (May 21-June 20) - Dito sa mundo, ang buhay ay pakikipagsapalaran. Ito ang ipasok mo sa ulo mo. Higit kaninuman, ikaw ang masayang nakikipaglaro sa iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.
CANCER (June 21-July 22) - Maghanap ka ng paraan para sumaya ka. Hindi puwede na ang lungkot ay manatili sa iyo ng mahabang araw. Kapag masaya ka, ang mga suwerte ay magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.
LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy ang pagdami ng gulo at away dahil sa haba ng mga araw na hindi makapaghanapbuhay ang mga tao. Maging maunawain ka nang hindi ka mapabilang sa kaguluhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang mapapala sa buhay ang mga palaangal kaya mas magandang manahimik na lang. Tanggapin mo ang katotohanan na rito sa mundo, ang nasusunod ay ang mga awtoridad at namumuno. Masuwerteng kulay-beige.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isabuhay mo ang pagiging maaawain dahil marami ang nakakaawa ngayon. Minsan, akala mo ay kabilang ka sa kanila. Hindi ito totoo dahil noon pa man ay masarap na ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumban ka pero hindi sa mga palakasan at wala sa lugar na pagbibigay ng ayuda. Lumaban ka sa panganib ng pagkakasakit. Isabuhay mo ang pagiging malinis. Masuwerteng kulay-black.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghanap ka pero huwag mong hanapin ang pagkakamali ng iba. Ang hanapin mo ay kung paano ka sasaya kahit nadagdagan pa ang mga araw ng pamumuhay sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-violet.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatawa dahil akala ng iba, hindi mo kakayanin ang mahabang araw ng pananatili sa bahay. Ang hindi nila alam ay talaga namang hindi ka mahilig sa pakikipagsosyalan. Masuwerteng kulay-peach.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Huwag kang tumulad sa iba na pilit kinakaya ang hindi kaya. Huwag kang magkamali, muli, kung ano ang kaya mo, hanggang doon ka lang. Masuwerteng kulay-red.
Pisces (Feb. 19-Mar. 20) - Magbigay ka pero magtira ka para sa iyong sarili. Mas magandang maunawaan mo na ang mga darating na araw ay hindi dapat sugalan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.
![endif]--![endif]--




Comments