top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di rehistrado sa FDA... P40-M gamot sa COVID-19 mula China, nasamsam

  • Mylene Alfonso​
  • May 1, 2020
  • 1 min read

Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) ang kahon-kahong gamot na umano'y kontra Coronavirus Disease 2019 na nagkakahalaga ng P40 milyon, sa isang bodega sa Malate, Manila.

Nabatid na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga nasamsam na gamot.

Ayon sa NBI, tatlong araw silang nagsagawa ng surveillance bago sinalakay ang nabanggit na bodega.

Galing umano sa China ang mga gamot na ibinebenta sa P200 hanggang P300 kada kapsula.

Nabatid ng NBI sa tatlong naarestong Chinese na hindi pa pinangalanan na aprubado umano sa China FDA ang nabanggit na gamot pero hindi umano ito naparehistro sa Pilipinas dahil inabutan ng lockdown.

Sinabi ng NBI na posibleng ibebenta ang mga gamot online.

Kaugnay nito, sinabi ni Rowel Baricawa, secretary ng Barangay 724, Zone 79, isang Chinese national umano ang umuupa ng bodega at may limang araw lamang umano ito nag-o-operate.

Sinabi ni Baricawa na humihingi ng permit ang umuupa ng warehouse ngunit walang maipakitang kinakailangang dokumento kaya hindi inisyuhan ng permit.

Ang mga nasabat na kahon-kahong gamot ay may Chinese letters.

Samantala, sinabi ni Lt. Col. Samuel Pabonita, ng BOC na may nagbigay ng impormasyon na may misdeclared personal effects sa nabanggit na bodega kaya nakipagkoordinasyon sa NBI.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page