2 kelot, timbog sa 46 karton ng alak
- BRT
- May 1, 2020
- 1 min read
Cagayan—Dalawang lalaki ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng 46 kahon ng alak kamakalawa sa bayan ng Gonzaga.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jimmy Mangahas at Ernan Carino, kapwa residente ng bayan ng Sta. Ana, sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, napadaan sa police checkpoint ang van na kinalululanan nina Mangahas at Carino at sisiyasatin na sana ng mga awtoridad ang laman ng sasakyan ay bigla itong pinatakbo ng mga suspek.
Kaagad namang hinabol ng pulisya ang van at nang maabutan ay agad dinakip ang dalawang suspek at nakumpiska sa sasakyan ang 46 kahon ng alak na ipinagbabawal sa lalawigan dahil sa ordinansang liquor ban.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa mga kaukulang kaso.





Comments