top of page

Payagan lang lumabas ng bahay ngayong lockdown... La Oro, binuhat ang isang sakong bigas kahit 65-an

  • Nitz Miralles
  • Apr 30, 2020
  • 4 min read

Nitz Miralles / Bida

Bea, hinaharang maging BF si John Lloyd dahil kina Angelica at Shaina

May paglilinaw si Philbert Dy sa IG Live nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na marami ang nag-akalang promo for an upcoming movie ng dalawang aktor. Si Philbert ang isa sa three producers ng tinawag na Love Team project nina Bea at John Lloyd mula sa Unconfined Cinema kasama sina Dan Villegas at Erwin Romulo.

“Just to clear something up: this wasn’t a promo for an upcoming movie. We don’t even know if there are going to be upcoming movies, given current restrictions. We were just trying to make something new, given the tools we had.”

Batay sa reaction ng mga tao, gusto pa rin nila ng movie na pagtatambalan nina John Lloyd at Bea at marami sa kanila ang gustong mag-end-up together ang magka-love team.

Pero may mga kumontra rin dahil para sa kanila, mas magandang magkaibigan at tandem na lang ang dalawa.

Saka, kung magiging magkarelasyon sina John Lloyd at Bea, baka masira raw ang friendship ng aktres kina Angelica Panganiban at Shaina Magdayao na parehong ex-girlfriends ni John Lloyd.

Speaking of John Lloyd, sa Cebu muna nag-i-stay ang aktor para makasama nito ang anak nila ni Ellen Adarna na si Elias. Nabanggit ni Ellen na co-parenting sa anak ang usapan nila ni John Lloyd at twice a week, sa aktor natutulog ang bata. Most of the days of the week, si Ellen ang kasama nitong matulog.

Sa IG Live pala nina John Lloyd at Bea, nabanggit ng aktor ang takot para sa anak dahil sa Covid-19.

“Natatakot ako para sa aking anak. Paano ko siya palalakihin sa gitna ng mga pangyayari ngayon?” sabi ng aktor.

♥♥♥

Payagan lang lumabas ng bahay ngayong lockdown…

La Oro, binuhat ang isang sakong bigas kahit 65-anyos na

Napanood namin ang video post ni Elizabeth Oropesa buhat ang isang sakong bigas at kaya niya in-upload ang video para ipakitang malakas pa siya kahit senior citizen na at para sa panawagan sa gobyerno na payagang makalabas ng bahay ang mga senior citizens na malakas pa.

“I’m a senior citizen. This was taken only a few days ago. Isang sakong bigas 'yan. I am strong and healthy! 'Pag hindi ninyo kami pinalabas, that is when we will deteriorate and get sick! We are more productive than most citizens. We are not glued to our cellphones and computers. Utang na loob, Sir! Mahal na Pangulo! Pakiayos po ito! Mali, eh!”

Sixty-five years old na si Elizabeth at kaya pa talaga niyang magtrabaho at malakas pa siya. Diver din pala ang aktres at kayang bitbitin ang tangke na gamit sa scuba diving. Kayang-kaya pa ni Elizabeth at ng mga kaedad niya na malalakas pa ang magtrabaho at tama na mas manghihina sila kung nasa bahay lang.

♥♥♥

Ibabalik ng GMA-7 ang Celebrity Bluff simula bukas, May 2, pagkatapos ng Magpakailanman. Ang season ng Celebrity Bluff na si Jose Manalo pa ang isa sa mga three bluffers ng comedy game show ang muling mapapanood. Ang dalawa pang bluffers ay sina Boobay at Brod Pete na grabe ring magpatawa sa audience at viewers.

Muling kiligin sa #JoGe love team ng Bluff host na si Eugene Domingo at ni Jose. Natigil lang ang kilig sa show nang mawala si Jose at palitan ng ibang bluffer.

Ang weekly outfit ni Boobay ang panlaban nito at ang bentang one-liner ni Brod Pete ang kontribusyon nito para mag-number one dati ang Celebrity Bluff.

Para sa May 2, magtatagisan ng galing sina Mylene Dizon, Sef Cadayona at Sheryl Cruz kasama ang kanilang personal assistants. Abangan ang mga segments na Fact or Bluff at Word War. Si Rico Gutierrez ang director ng comedy game show.

♥♥♥

After Regine Velasquez, si Sharon Cuneta naman ang magkakaroon ng digital concert billed Sharon: Love and Music, A Mother’s Day Special sa May 10, at 8 PM.

Mapapanood ito sa ABS-CBN Facebook, YouTube, and website (ent.abs-cbn.com). Ang Pantawid ng Pag-ibig ang beneficiary ng digital concert.

Nakasulat patungkol sa concert: “Megastar Sharon Cuneta is set to give a heartwarming tribute to the brave, dedicated, and loving mothers with her upcoming fundraising concert titled Sharon: Love and Music, A Mother’s Day Special which streams live on ABS-CBN Facebook, YouTube, and website (ent.abs-cbn.com) this May 10, at 8 PM. Accompanied by Maestro Louie Ocampo, Sharon brings an intimate experience as she sings some of the most popular and well-loved tunes that will bring joy, love, and inspiration to every home.”

Sa digital fundraising concert ni Regine, nag-donate si Sharon ng P1 M. Sa kanyang fundraising digital concert kaya, sino naman ang magdo-donate ng P1 M?

♥♥♥

Ang cast ng Bubble Gang ang makaka-chat ng mga netizens sa YouLOL, a comedy

channel sa YouTube na magtatampok sa mga nakakatawang highlights ng best Kapuso shows.

YouLOL will also feature Michael V.’s hit parody music videos, funny gags, comical sketches at various games kung saan puwedeng sumali ang mga netizens.

Para makapanood ng YouLOL, hit that subscribe button starting this Friday by visiting www.youtube.com/YouLOLGMA.

Sa Sabado, 7 PM pa rin, ang cast ng Pepito Manaloto ang makaka-chat ng mga netizens. Tatawa kayo at mawawala ang stress sa katawan!

 
 
 

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page