top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Masayang palakad-lakad sa bahay, sign na dapat gumalaw-galaw para 'di magkasakit

  • Socrates Magnus
  • Apr 30, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Omar na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Napanaginipan ko lakad ako nang lakad sa bahay namin. Pabalik-balik lang ako pero masaya kong ginagawa ‘yung paglalakad.

Ano ang mensahe ng panaginip kong ito?

Naghihintay,

Omar

Sa iyo Omar,

Sabi ng iyong panaginip, nasobrahan ka sa kawalan ng ginagawa. Maaaring lagi kang nakahiga o mas madalas na ikaw ay nakaupo lang. Dahil dito, ang panaginip mo ay nagpapayo na dapat ka nang mag-ehersisyo. Puwede naman itong gawin kahit nasa bahay lang, partikular ang napanaginipan mo na naglalakad nang pabalik-balik.

Puwede ka ring tumakbo o mag-jogging in place o pagtakbo nang hindi umaalis sa kinatatayuan.

Gayundin, kailangan mo nang banatin ang buong katawan mo mula ulo hanggang paa. Kapag ang tao ay matagal nang hindi gaanong gumagalaw, siya ay maaaring magkasakit. Mahirap paniwalaan, pero ang unang karamdaman na puwedeng makuha ay ang sakit sa bahagi ng tiyan, buto o kasu-kasuan, gayundin ang pagkaliho o pagkawala ng balanse. Hindi rin puwedeng mawala ang posibilidad ng paghina ng puso at pagtaas o pagbaba ng daloy ng dugo.

Kaya mahalaga sa tao ang ehersisyo, lalo na sa panahon ngayon na ang mga tao ay pinagbabawalang lumabas ng bahay.

Sundin mo ang payo ng iyong panaginip na mag-ehersisyo ka kahit nasa bahay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page