top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Greek PM, kinumpirma ang pagbagsak ng Canadian military helicopter

  • Lolet Abania​
  • Apr 30, 2020
  • 1 min read

ATHENS, GREECE – Nagpahayag ng pakikidalamhati ang prime minister ng Greece matapos na isang Canadian military helicopter ang bumagsak sa baybayin ng isla ng Greece kung saan nagsasagawa ng NATO operations.

Katuwang ang isang Greek navy helicopter sa paghahanap sa CH-148 Cyclone helicopter na iniulat na nawawala noong Miyerkules ng gabi, ayon sa defense officials. Naging posible ang ginawang paghahanap sa koordinasyon ng Italian authorities.

“I express my grief over the crash of the Canadian helicopter in the Ionian Sea last night,” sabi ni Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis, sa pulong ng parliament.

Ipinahayag din ng prime minister ang pagnanais niyang makausap si Canadian Prime Minister Justin Trudeau upang ipaalam ang sitwasyon at ang pakikidalamhati ng gobyerno ng Greece.

Gayunman, wala pa ring report sa eksaktong bilang ng crew na nakasakay sa helicopter.

Ayon sa Canadian armed forces, ang helicopter ay “involved in an accident”, gayundin, naipaalam na nila ang nangyari sa mga pamilya ng nawawalang crew members subalit wala nang ibinigay na detalye ukol dito.

Sinimulan ang search sa kanlurang bahagi ng Greek island ng Kefalonia, kung saan doon nagsasagawa ng tactical exercises ang mga crew, na parte ng isang NATO naval operation na umiral mula sa Naples, Italy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page